NGANGA! Ganyan ang nangyari sa lahat ng audition ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza para gumanap na young Marian Rivera.
Hindi lang once kundi tatlong beses tinangka ni Barbie na makuha ang role bilang batang Marian Rivera sa tatlong GMA series na pinagbidahan ng Kapuso Primetime Queen.
Kuwento ng aktres, sumabak siya sa audition noon bilang young Marian sa Pinoy adaptation ng Mexican series na “Marimar“, sumunod sa remake ng “Dyesebel” at ang huli ay para sa TV version ng “Darna.”
Baka Bet Mo: Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?
“Ang dami kong in-audition na young Marian – young Marimar hindi pwede kasi takot sa aso, young Dyesebel hindi marunong lumangoy, young Darna lampa. So, ekis lahat.
“Pero lagi akong nag-o-audition as young Marian talaga,” ang rebelasyon ni Barbie sa panayam ng GMANetwork.
Baka Bet Mo: Atasha Muhlach game na game lumangoy sa remake ng ‘Dyesebel’: ‘I used to think that my mom was a mermaid’
Kasunod nito, pumasa si Barbie nang mag-audition siya para sa young Rhian Ramos sa Pinoy version ng hit K-Drama series na “Stairway to Heaven.”
“Noong may isa na namang audition for a young role, young Rhian for Stairway [to Heaven] doon ako nag-work kasi iyak-iyak lang ‘yon,” sey ng dalaga na umaming bata pa lang ay talagang pangarap na niyang maging artista.
Very soon ay napapanood na uli si Barbie sa isa na namang family drama sa GMA, ang “Pulang Araw” kung saan makakasama niya sina Alden Richards, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo. Mapapanood na ito sa GMA Prime simula sa July 29.