DEAR Atty.:
Tama po ba ang desisyon ko na kunin ko ang anak ko. Wala naman akong ginagawang kasalanan at yung mister ko ang gumawa ng kasalanan at inilayo pa niya sa akin yung anak ko.
Nabasa ko pa ang kolum nyo kaya nagbabakasakali akong makahingi ng inyong tulong. Ano po ang opinyon nyo sa kaso ko. — Simply mom, ….6666
Dear Simply mom:
Ang ina po ang may custody sa bata kung ang bata ay may edad na ptio at mas mababa pa rito.
Kung ang anak ninyo ay “7 years old and below” maari kayong magsampa ng “Petition for Custody of Minor Child and Petition for Support and Support Pendente Lite” sa Regional Trial Court kung saan nakatira ang bata.
Ikwento po sa Judge ang mga bagay-bagay kung paano napunta sa custody ng ama ang bata, upang mabigyan kayo ng pagkakataon na magkaroon ng custody sa inyong anak. – Atty.
Dear Atty.:
May kaibigan ako na lesbian at may karelasyon siyang girl pwede ba silang magpakasal? May same sex marriage na ba rito sa Pilipinas? Maraming salamat po. – Concerned friend, 20, North Cotabato, …8333
Dear Concerned friend:
Bagamat merong ilang grupo na ang nagkakampanya at nagsusulong ng same sex marriage, nananatiling hindi pa rin ito pinahihintulutan ng ating batas. Wala pang “same sex marriage” sa Pilipinas.
Ayon sa Family Code of the Philippines, isang lalaki at isang babae lang ang maaaring magpakasal sa isa’t isa. Hindi maaaring parehong lalaki at hindi rin maaaring parehong babae. – Atty.
Dear Atty.:
Pwede po bang ma-foreclose ang title namin nang walang pinirmahan na mortgage ang tatay ko kundi sa kapirasong papel lang nagpirma. Nasangla kasi ng P50,000.
Tapos 10 years later tinutubos na namin, gusto P300,000 bayaran namin. Nakapagbayad naman kami ng interest na P10,000. -Cecilio, 52, Labyang, SK, ….7022
Dear Cecilio:
Ang isang transaction po na nagkakahalaga ng higit sa P500 ay kailangan po ay may kasulatan upang maging “enforceable”. Kung ang sinasaad ng “kapirasong papel lang nagpirma” ay isang mortgage, opo, maaaring ma-foreclose ang mortgage.
Mas mabibigyan po natin ng linaw ang problema kung isasaad ninyo ang mga nilalaman ng “kapirasong papel”. – Atty.
Editor: May nais ba kayong isangguni sa Ibandera ang Batas. I- text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.
Abangan ang sagot ni Atty. tuwing Miyerkules at Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.