CURIOUS ba kayo kung paano nagsimula ang kakaibang kwento ng “A Quiet Place?”
Ang lahat ng katanungan niyo, masasagot sa latest installment at prequel ng hit movie na pinamagatang “A Quiet Place: Day One.”
Ang good news pa, showing na ‘yan sa lahat ng lokal na sinehan!
Napanood ng BANDERA ang advance screening ng bagong movie at talaga namang maganda ang pagkakalatag ng storyline nito.
Kahit ibang set ng characters ang bumida, naisalaysay pa rin nang mabuti sa pelikula kung paano nagsimulang naging tahimik ang mundo, lalo na ang naging setting nito sa New York City.
Baka Bet Mo: Brad Pitt, George Clooney pasiklaban sa aksyon, bibida sa ‘Wolfs’ movie
Bidang-bida ang Academy award-winner na si Lupita Nyong’o na gumanap bilang si “Samira,” dating successful published poet pero tila naging bitter sa kanyang buhay nang magkaroon siya ng sakit.
Sa gitna ng kaguluhan, makikilala niya si “Eric” na mula naman sa katauhan ng English actor na si Joseph Quinn na inalagaan at hindi iniwan ang una sa kanyang journey.
Magaling ang team-up ng dalawang artista at sila ay lubos na pinuri ng writer-director ng pelikula na si Michael Sarnoski.
“Lupita was at the top of Michael’s list,” sey ng direktor.
Patuloy niya, “She’s a very powerful actress. The role was both physically and mentally challenging — she was effectively terrorized daily — and she handled it brilliantly and elegantly, bringing a combination of bravery and vulnerability to her character.”
Sambit naman niya sa aktor, “Joe’s wildly talented. In ‘Day One,’ he walks the razor’s edge of fight or flight on what is the worst day of his character’s life.”
“He and Samira are trying to survive under harrowing circumstances that force them together. That relationship makes them the heartbeat of the movie,” aniya pa.