Robin Padilla excited sa pagbabalik pelikula, Sharon muling makakatambal?

Robin Padilla excited sa pagbabalik pelikula, Sharon muling makakatambal?

HINDI mapagsidlan ng saya ang nararamdaman ni Senator Robin Padilla sa ginanap ma intimate mediacon ng “Gringo: The Greg Honasan Story” dahil siya na ang napiling gaganap sa pelikula.

Nabanggit ng senador na idolo niya ang RAM leader at matagal na rin niyang gustong gawin ang biopic ni dating Senador Gringo Honasan.

Say ni Robin, “Matagal ko nang kinakausap si Senator Honasan about depicting his life story, but it never materialized. Perhaps, ito na yung perfect moment. So when the role was offered to me, hindi ko na natanggihan. I have awaited this opportunity.”

Nabanggit din niya na sana’y simulan na agad ang shooting habang naka-break sila sa senado dahil pag meron na ulit ay mahihirapan na siya, pero nangako namang gagawan niya ng paraan ito para matapos.

“Senator Honasan is close to my heart pareho kaming rebolusyonaryo. I’m truly honored to finally bring this film to completion. While I have many unfinished projects at may iba pa na tinanggihan ko,” say ni Robin.

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang napupusuang gumanap bilang maybahay ni Binoe sa “Gringo: The Greg Honasan Story” bilang kilalang family man si Ginoong Honasan.

Baka Bet Mo: Vina type gumawa ng kilig movie kasama si Robin; Jo Berry waging-wagi!

 

Hangang-hanga nga raw ngayon si Robin kay Sharon dahil pumayat na ito at healthy kaya nagulat siya ng banggitin na tila may dinaranas ngayon ang aktres sa kanyang kalusugan.

“Ha? Pagkatapos niyang maging sexy saka pa siya nagkasakit? Anong (sakit), emosyonal o ano? Hindi kami nagkakausap ni Ma’am (tawag niya), tatawagan ko nga. Nakakabigla naman minsan nga biniro ko hindi lang ako sinagot sabi ko puwede na tayo mag-love scene hindi ako sinagot,”nakangiting kuwento ni Robin.

Puwede ba silang mag-love scene sa pelikula lalo’t isang may posisyon sa gobyerno ang aktor.

“Mag-lovescene? Puwede ba siya? Nakilala akong aktor at maiintindihan ito ng mga tao, ‘wag lang siguro ako gagawa ng pene (penetration),” katwiran ng senador.

Bakit nga ba si Sharon ang gustong leading lady ng Boraccho Films Production para kay Robin.

“Maganda kasi ‘yung (samahan naming), hindi mawawala ang kilig do’n pero ‘yung drama na gagawin ni Sharon, iba ‘yung intensity ni Sharon sa drama,”paniniwala ng senador.

May gagawin kasing serye si Sharon kasama sina Julia Montes at Sam Milby kaya baka hindi na ito tanggapin?

“E, siguro naman kung tatanggapin niya ‘to, mga dalawa o tatlong araw lang naman , hindi naman ganu’n (katagal) kasi mas umikot ‘yung (kuwwnto), nandoon ang pamilya dahil pag rebolusinaryo laging nandoon ang pamilya pero mas umikot ang kuwento sa pagiging rebel soldier ko, eh,” paliwanag ni Binoe.

Pagbabahagi naman ng producer na si Atty. Ferdie Topacio

“This is the true version. Honasan is a historic figure, and that’s why we decided it was time to make this film. The public deserves to know many truths, and this project is long overdue.

“This is an epic production. I believe this is a first in our industry—creating a movie about a living hero. Honasan is a living hero, and this will undoubtedly be a grand production.”

Si Eric Ramos naman ang susulat ng script ng biopic ni Honasan, “The former Senator’s life is so colorful. Napakalawak ng scope. It was truly challenging to decide which highlights of his life to include in the film. We had several sit-downs to finalize the script.”

Samantala, planong isali ang Gringo: The Greg Honasan Story sa 2024 Metro Manila Film Festival at sana raw ay umabot sila kaya aligaga ang dalawang direktor na sina

Lester Dimaranan at Abdel Langit biro naman ni atty. Ferdie Topacio ay hindi niya minamadali ang dalawang direktor niya, pero kapag hindi ito kumita ay huling project na nila ito sa Boraccho Films Productions.

Read more...