Heart Evangelista agaw eksena ang OOTD, boobs tinakpan ng flowers

Heart Evangelista agaw eksena ang OOTD, boobs tinakpan ng flowers

TALAGA namang pak na pak ang ibinanderang outfit ng Kapuso actress at socialite na si Heart Evangelista sa ginaganap na Paris Fashion Week.

Sa kanyang Instagram stories ay proud na ibinahagi ng aktres ang kanyang mga naging look sa bawat araw ng pananatili at pag-attend ng samu’t saring events sa Fashion Week.

Marami nga sa mga netizens ang talagang napahanga dahil sa kabila ng hindi nito bumabatang edad ay kering keri pa rin ni Heart ang rumampa at magsuot ng sexy yet elegant outfits dahil sa maganda nitong pangangatawan.

Sa katunayan, ibinahagi ng social media personality na si Senyora ang bonggang larawan ni Heart na bulaklak na lang ang tumatakip sa kanyang boobelya.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista may mensahe sa mga sumasabotahe sa IG niya

“Ano na naman to Heart!!?? Ginigigil mo na naman ako! [angry emoji]” saad ni Senyora.

Agad ngang napa-comment ang mga netizens sa naturang post.

“Sinampal na naman ng katotohanan si Senyora gigil yarn [emojis] so pretty tlga ni Heart. di nkaka sawa ang ganda,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Pag sa ibang bansa pwede yan pag dito sa Pinas hindi kasi may isang Senyora tayo na inggitera. Huy! [laughing emojis]”

“For me, she looks good and better now kumpara few years back na super payat nya, na halos kitang kita nya mga jawline bones at humpak mga pisngi sa kapayatan,” sey naman ng isa.

Sa unang tingin kasi ay tila flowers lang talaga ang pang-itaas ni Heart ngunit kung susuriin ay skin-toned ang kanyang damit kaya nagmumukhang ang design na flowers lang ang tumatakip sa kanyang boobelya.

Well, give naman sa bagong presidente ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) ang kanyang outfit dahil kayang-kaya nitong dalhin ang anumang uri ng pananamit.

Kamakailan lang rin nang ibahagi ni Heart ang larawan kung saan katabi niya sa front row ng isang Australian couture fashion show sa France sina Avril Lavigne at Ellie Goulding.

Read more...