GINAGAWA lahat ng dating sexy actress na si Katya Santos at ng fiancé niyang si Paolo Pilar ang lahat para mabiyayaan sila ng anak.Kabilang na nga riyan ang pagsailalim sa in vitro fertilization o IVF na ayon kay Katya ay napakahirap ding proseso dahil hindi ka pa rin sigurado sa magiging results.
Baka Bet Mo: Katya mas inuna ang pagbuo ng baby kesa sa kasal nila ni Paolo Pilar
“It’s very challenging. Very, very challenging, very emotional. Mahirap po,” ang pahayag ni Katya tungkol sa kanyang IVF journey sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, June 26.
Sey pa ng 42-years old na aktres, bukod sa hindi biro ang naturang proseso, napakamahal din daw ng magagastos dito lalo’t “per harvest” ang kailangan na budget.
“It’s not painful but I think ‘yung gastos po ‘yung painful. It’s very draining physically, mentally, emotionally and financially,” pahayag ni Katya.
Naikuwento rin ng aktres na aside from IVF, sinubukan din nila ang mga lumang kaugalian o paniniwala para magbuntis ang isang babae, kabilang na riyan ang pag-aalay ng itlog kay Santa Clara at Padre Pio.
Si Sta. Clara ang patron saint ng bayan ng Obando sa Bulacan at dumarayo roon ang mga mag-asawang hindi magkaanak kung saan sumasayaw sila sa pag-asang diringgin ni Sta. Clara ang kanilang hiling na magka-baby.
“Nag-alay na po ako ng itlog sa Sta. Clara and then kay Padre Pio. Every Wednesday, nagsisimba po kami sa Christ The King, ang hindi ko pa po napupuntahan yung Pink Sisters.
“Marami pa po kaming pupuntahan. Gusto po naming puntahan yung Obando (Fertility Rites),” pahayag pa ni Katya.
Sa isang interview kay Katya, sinabi niyang plano talaga nila ni Paolo na magkaanak muna bago magpakasal.
“Wala pa (balak magpakasal). Actually, well, kasi ‘yung nangyayari sa amin, inuuna kasi naming magka-baby. So right now, I’m with the process of IVF,” aniya.
May isa nang anak na girl si Katya sa dati niyag asawa na si Anton Delos Reyes.