Kuya Kim nasaktan ang feelings ni Vice: Hindi ako fighter, lover ako!

Kuya Kim nasaktan ang feelings ni Vice: Hindi ako fighter, lover ako!

Vice Ganda at Kim Atienza

“HINDI ako fighter, lover ako!” Yan ang ipinagdiinan ng Kapuso TV host na si Kim Atienza nang mapag-usapan ang ilang kontrobersyang kinasangkutan niya in the past.

Ayon kay Kuya Kim, ilang beses na siyang na-involve sa maiinit na issue na naging dahilan ng pamba-bash sa kanya nang bonggang-bongga sa social media.

Feeling ni Kuya Kim, palagi siyang misunderstood ng mga netizens sa mga ipino-post niya sa socmed kaya ang ending siya ang binabasag ng haters at trolls.

Baka Bet Mo: Ogie may advice kay Kuya Kim: Tulungan mo na lang ang tatay mo

Sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz, nagsalita si Kuya Kim tungkol sa mga kinasasangkutan niyang issue, kabilang na ang naging kontrobersya sa pagitan niya at mga dating kasamahan sa “It’s Showtime.”


Nag-ugat ito sa post ng TV host sa X (dating Twitter), kung saan binati niya si John Prats bilang direktor ng naturang Kapamilya noontime show. Dinugtungan pa niya ito ng, “Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

“Ang problema sa Twitter, you’re only able to say whatever you want to say in a few words. Nawawala ang context. Kasi, ang context naman sa sinabi ko na iyon, sanay kasi si John na action at taped na serye,” ang simulang paglilinaw ni Kuya Kim.

Baka Bet Mo: Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic

“Ang ibig kong sabihin na, ‘Baka sumakit ang ulo mo” kasi live show ‘yan. Dahil yung panahon ni Bobet (Vidanes, dating direktor ng show) masakit ‘yung ulo niya palagi.

“Dahil mahirap ang live show. Ibang skill set. That’s what I meant. Not to put down my colleagues,” esplika pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Kuya Kim, “I meant nothing. I meant no harm. Natiyempo kasi kalilipat ko lamang sa GMA 7 noon, so very sensitive pa ‘yung mga Kapamilya natin na bakit umalis ako?


“So, it was interpreted as parang tinitira ko ‘yung dati kong show which is hindi naman.

“Because I really meant nothing, walang malisya ‘yung pagkasabi ko. But since nand’yan na ‘yan at apoy na. Wala na, nandiyan na ‘yan,” pagbabahagi pa niya.

Siniguro rin ni Kuya Kim na maayos na ang relasyon niya sa mga dating kasamahan sa “It’s Showtime”, kabilang na si Vice Ganda.

Pag-amin pa ng TV host, “Nagkaroon kami ng misunderstanding ni Vice noon over Karylle. Ako naman dahil kaibigan ko si Karylle, inaanak ko.

“Sinabi ko, ‘I love Karylle.’ E, may pinagdadaanan na pala ang show nu’n at it was taken out of context.

“Dahil nasaktan ko ang feelings ni Vice, kinausap ko kaagad, nag-message ako kaagad. Nag-usap kami nang mahaba. Tapos na ‘yun,” paniniguro niya.

Muling iginiit ni Kuya Kim na mahal niya ang “Showtime” at malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN, “Hindi ako fighter. Lover ako. I’d rather talk and compromise rather than makipagbanggaan.”

Read more...