Aiko nakalimutang ex-dyowa niya si Jomari, umiiwas kapag may ‘session’

Aiko nakalimutang ex-dyowa niya si Jomari, umiiwas kapag may 'session'

JOMARI YLLANA, Krissy Achino at Aiko Melendez

KAPAG pala tinanong mo si Konsehala Aiko Melendez nang biglaan tungkol sa ex niyang taga-Parañaque City ay nagugulat siya at sabay tanong kung sino?

At bigla na lang hahalakhak ang aktres kapag naalala na niya kung sino ito, “Ay oo nga!”

Paanong hindi malilimutan, e, dekada na yatang hindi nagkikita sina Aiko at ang ex-husband niyang si Jomari Yllana na ama ng panganay niyang si Andre Yllana.

Maging sa mga pagtitipon ng mga konsehal sa National Capital Region ay hindi pa pala nagkakasalubong ang dating celebrity couple.

Baka Bet Mo: Krissy Achino type na type si Donny Pangilinan, pero paano kung may manligaw sa kanya na kamukha ni James Yap?

Si Jom ay konsehal sa unang distrito ng Parañaque City at si Aiko ay konsehala naman sa ikalimang distrito ng Quezon City.


Nalaman namin ito nang ibuking ni Chino Liu o mas kilala bilang si Krissy Achino na impersonator ng nag-iisang Kris Aquino sa panayam nito sa vlog ni Aiko na in-upload sa YouTube channel nito nu’ng Biyernes ng gabi.

Si Chino o Krissy ay kasalukuyang kagawad ngayon sa lungsod ng Parañaque pero mas nauna siyang nakilala bilang content/digital creator na may 1.32 million subscribers at miyembro ng Team Payaman ni CongTV.

Bago magtapos ang panayam ni Krissy Achino kay Aiko ay nagsabi ito ng, “I hope Ms. Aiko madalaw ko ang 5th district (QC) at makadalaw ka rin sa amin.”

Baka Bet Mo: Alex ibinuking na type ng asawa niyang si Mikee si Yassi: Buwisit nga ako sa ‘yo, e!

Sagot kaagad ng konsehala, “Yes.”

Sabay sabi ni Krissy, “Maraming nagtatanong kasi sabi ng mga sisters ko sino bang ka-vlog mo? Sabi ko, si Ms. Aiko, tapos (tinanong ako) ano bang something n’yo in common?

“Sabi ko, ‘well aside sa nasa showbiz kami pareho, we’re both public servant.  Ang hindi alam ng mga viewers mo, pareho rin tayong may ex sa Parañaque (ikinagulat nga ng aktres at politiko). Mine is ex-mayor and yours is still the councilor,” ani Krissy.

Habang nagsasalita si Krissy ay humahagalpak pa rin ng tawa si Aiko, “Nawala sa isip ko. Ha-hahahaha!”

Sabay sabi ni Krissy ng, “Kasama ko siya (Jomari) kahapon may session sila.”

“(Oo nga) tama, tama,” tumatawa pa ring reaksyon ni Aiko sabay hawak sa pisngi niya sa katatawa.


Tanong tuloy ni Krissy, “Di mo alam ‘yun? Hindi ba kayo nagkakasama sa Council State of the Philippines?”

Tumatawang sagot ni Aiko, “Umiiwas ako. Ha-hahaha! Kapag nandoon siya (Jom). Ha-hahahaha!”

“Perfect at least, di ba?” sambit ni Krissy.

Hirit pa rin ni Aiko, “Sira ulo! Ha-hahaha!”

Marami na kaming napanood na in-interview ni Aiko para sa vlog niya, pero itong episode ni Krissy Achino ang hindi niya nakontrol ang tawa niya hanggang magtapos sila ng tsikahan.

Read more...