Enzo Pineda, Michelle Vito mag-asawa’t may anak na after 10 years

Enzo Pineda, Michelle Vito mag-asawa't may anak na after 10 years

Enzo Pineda at Michelle Vito

TEN years from now ay nakikita na ng hunk actor na si Enzo Pineda na may sarili na silang pamilya ng kanyang dyowang si Michelle Vito.

Yan ang pahayag ni Enzo nang matanong tungkol sa relasyon nila ni Michelle na tumatagal na ngayon ng apat na taon.

Kuwento ni Enzo sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, first time silang nagkita ni Michelle sa isang fashion show pero may kanya-kanya pa raw silang dyowa noon.

Baka Bet Mo: Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

Nag-start daw ang kanilang love story nang magkasama sila sa isang teleserye hanggang sa magkadebelopan na nga sa isa’t isa dahil halos araw-araw silang magkasama noon.


Ayon kay Michelle, tandang-tanda pa raw ni Michelle na si Enzo ang unang nag-“I love you” noong nag-date sila para sa Valentine’s Day.

“Paghatid niya sa akin after ng date, nag-‘I love you’ ako sa kaniya tapos akala niya kami na. Kasi raw nag-‘I love you’ na raw ako,” pagbabahagi ni Michelle.

Feeling kasi ni Enzo, kailangan niyang sabihin iyon kay Michelle para maiparamdam na seryoso at malinis ang kanyang intensiyon. Pero iba pala ang meaning nito para kay Michelle.

Sabi naman ni Enzo, “Nag-pray pa ako. ‘Lord, thank you so much for this wonderful day. Salamat na binigyan mo ako ng opportunity with Michelle na mag-date kami dahil mahal ko itong taong ito,'” sey ni Enzo matapos magtapat ng pag-ibig kay Michelle.

“Before dinner, nag-prayer kami. Nag-confess ako ng love sa kanya through prayer,” dugtong pa ng aktor.

Sundot na tanong ni Tito Boy kung sinagot daw agad ni Michelle si Enzo, “Noong time na ‘yun hindi pa po. Ang reaction ko lang, (napalingon) ‘Hmmmm?'” natawang sabi ng aktres.

Sa isang bahagi ng panayam ay binigyan ng chance ni Tito Boy sina Enzo at Michelle na itanong ang mga hindi pa nila naitatanong sa isa’t isa.


“Five to 10 years from now, saan mo nakikita ang ‘yung relationship natin?” diretsong question ni Michelle sa kanyang boyfriend.

Baka Bet Mo: Enzo Pineda pinatigil na ni Michelle Vito sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa pelikula

“Five to 10 years from now, siyempre kasal na tayo noon. And of course I want to have children of our own, depende sa ‘yo kung ilan ang gusto mong dami pero ako, nakikita ko around three to four kids,” sagot naman ni Enzo.

“Nakita ko, hindi tayo sa Manila tumitira. Sa probinsya where mas tahimik ang buhay, less populated, less pollution as well,” aniya pa.

Tanong naman ni Enzo kay Michelle  kung ano ang ibibigay niyang rating o grado sa pagmamahal niya sa dalaga. “Dahil bati tayo ngayon, hindi tayo magka-away,” natawang sagot ni Michelle.

“Ten siyempre. Kahit naman noong nag-aaway tayo, nari-realize ko ‘yun na minsan ayoko na.

“Pero kapag nagtagal kasi doon ko nari-realize na, ‘Ay hindi, gusto ko siya sa buhay ko,’ gusto kitang kasama. So kahit mag-away tayo ilang beses, ‘yung love ko sa ‘yo 10 talaga,” aniya pa.

Read more...