BAGO marating ang estadong kinalalagyan niya ngayon bilang miyembro ng P-pop super group na SB19, napakarami ring pinagdaanang pagsubok ni Stell Ajero.
Naging working student siya noong nasa at nag-OFW rin sa Japan para nakatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya at matustusan ang kanyang pag-aaral.
Ayon kay Stell, napakarami niyang natutunang life lesson sa mga challenges na hinarap niya noong nagsisimula pa lamang siyang mangarap para sa sarili sa kanyang pamilya.
Baka Bet Mo: SB19 Stell pasok uli bilang coach sa The Voice Kids ng GMA: Choose me!
Kuwento ng singer-songwriter sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, na nag-celebrate rin ng kanyang 29th birthday kagabi, ang talagang pangarap daw niya noong bata pa siya ay maging isang dentista.
“Nu’ng bata ako, everytime na may umaalog po na ngipin, haharap po ako sa salamin, aalugin ko, aantayin ko po siyang dumugo.
“Tapos pagka-sobrang lala na nu’ng alog niya, tinatanggal ko po siya. Du’n ko po naisip na, ‘Ah! Parang gusto ko ngang maging dentista,'” natawang kuwento ni Stell.
Naging working student din daw siya noong wala pa siya sa entertainment industry, “Napanood ko po sa GMA ‘yung K-drama na ‘Baker King’.
“Pero nahirapan ako maghanap ng school kung saan ko po puwedeng gawin ‘yun. So ang naisip ko na lang pong outlet for that is maging cook na lang po.
Baka Bet Mo: Stell kumikita na nang bonggang-bongga para sa sarili at pamilya; sinigurong hindi mabubuwag ang SB19
“So, nag-enroll po ako ng HRS, Hotel and Restaurant Services,” sey ng binata na naging scholar din sa kanilang eskwelahan.
“Nag-work po ako sa isang fast food chain. Aral sa umaga, trabaho naman po sa gabi. Pero kulang pa rin ‘yung kinikita ko para masuportahan ‘yung pag-aaral ko.
“So, sabi ko baka puwede pa akong kumuha ng isang sideline job. Nagturo naman po ako ng sayaw. After ng school, trabaho po sa gabi hanggang madaling araw,” aniya pa.
Ngunit dumating yung araw na napagod na siya nang bonggang-bongga kaya tumigil din siya sa pagtatrabaho. Nang magkaroon ng chance na makapag-abroad sinunggaban agad ito ni Stell.
Kinuha siya ng kanyang tiyahin na nasa Japan at inalok na doon na muna manirahan. Halos six months din siya roon kung saan siya ang nag-alaga sa kanyang mga pinsan.
Hanggang sa bumalik na nga siya sa Pilipinas at nag-audition para sa pagbuo ng SB19.
“Minsan tinatanong kami ano’ng sikreto bakit namin naaabot ‘yung dreams namin. Pero bumabalik lang kami sa isang bagay na feeling namin bakit.
“‘Yun po yung feeling namin is sobrang nakaka-relate ‘yung tao sa amin. Kasi when we make music, especially Pablo, talagang ginagamit niya ‘yung experiences namin.
“Music is something na kahit iba ‘yung language nu’ng kanta basta sobrang clear nu’ng message and nu’ng emotion, mararamdaman mo, e,” ani Stell.
Naikuwento rin ni Stell na pangarap niya ang makasama sa isang horror movie, “Gusto ko po. Gusto ko po. Gusto ko po ma-experience ‘yung ganu’n.”
Kaya naman sabi sa kanya ni Jessica, ipi-pitch niya sa production ng Halloween special ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” na isama siya sa “Gabi ng Lagim: The Movie” na mapapanood sa mga sinehan sa November.
“Wala naman masama mag-try,” excited na sabi ni Stell.
At tungkol naman sa lovelife, “Wala po eh. Kasi parang ang hirap po kasi magbigay ng time. I mean, nagkaroon na rin po ako ng mga past relationship before.
“Ako po kasi as a partner, parang gusto ko po may time ako lagi. Kasi ayoko na ayoko nu’ng maghahati ako ng sobrang daming…tapos hindi ko na siya mapapansin,” pahayag ng binata.
Sino naman sa mga taong malalapit sa kanya ang maituturing niyang “one call away person”?
“Dalawa. Si Pablo at saka si Justin. Sila ‘yung pinaka…kapag may kailangan ako, silang dalawa agad ang tinatawagan ko. Kapag mayroon akong problem sila talaga,” tugon ni Stell.