Maine minura sa isyu ng face mask: Bakit parang kasalanan ko, Roldan?

Maine minura sa isyu ng face mask: Bakit parang kasalanan ko, Roldan?

Maine Mendoza

MINURA ng netizen ang TV host-actress na si Maine Mendoza dahil sa naging pahayag niya tungkol sa mga taong patuloy na nagsusuot ng face mask sa public places.

Maraming sumang-ayon sa pananaw ng “Eat Bulaga” Dabarkads na huwag ipatanggal sa mga celebrities ang kanilang face mask kapag nagpapalitrato o nagpapa-selfie sa mga ito.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, nag-post si Maine last June 11, ng kanyang “random thoughts” about it, lalo na ngayong marami ang dinadapuan ng sakit kabilang na ang mga celebrities.

Baka Bet Mo: Andrea na-bad trip sa delivery rider, nagpumilit magpa-selfie nang walang mask: ‘Walkout ako, masama ba?’

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga artista at personalidad na nagsusuot at hindi tinatanggal ang face mask kahit may nagpapa-selfie sa kanila. Ayaw lang nilang makahawa ng sakit o virus.


Pahayag ni Maine, “Random thought dahil ang daming may sakit ngayon. People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo.

“Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition.

“Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus.

“Ang hirap magtrabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam,” pagbabahagi ni Maine.

Baka Bet Mo: Maine may pakiusap sa fans na nagpapa-selfie sa celebs, ano kaya yun?

Maraming netizens ang um-agree kay Maine at may mga fans pa na nangakong ipagdarasal ang kanyang kalusugan.

Ngunit may isa ngang X user ang nagbitiw ng komento na, “Put*ng I*a Mo.” Hindi ito pinalampas ng TV host at ini-screenshot ang pagmumura ng netizen pati ang pag-block nito sa kanya sabay post sa kanyang X account.


Makikita sa screenshot ang description ng nasabing netizen sa kanyang sarili na, “I am Not A Perfect Person, But I Know How To Respect.” Ipinagdiinan ni Maine sa kanyang post ang “But I Know How To Respect.”

Pinangalanan ni Maine ang nagmurang netizen na “Roldan” at nilagyan ng caption ang post niyang, “Bakit parang kasalanan ko roldan?”

Dagdag pa ni Maine, “Nasaan yung ‘po? ???” Na sinundan pa niya ng, “Roldan paano?”

Ang nais imparating ng aktres sa publiko ay ang pagiging bastos ng netizen na kontra sa sinasabi nito sa kanyang profile na marunong siyang rumespeto sa ibang tao.

Read more...