Nadine focus muna sa business, pero may TV comeback ba ngayong 2024?

Nadine focus muna sa business, pero may TV comeback ba ngayong 2024?

PHOTO: Instagram/@nadine

MATAGAL-TAGAL na rin mula nang masilayan natin sa telebisyon at big screen ang aktres na si Nadine Lustre.

Dahil diyan, maraming fans na ang nagtatanong kung kailan ba ang comeback niya?

Sinagot na ‘yan mismo ni Nadine nang makapanayam siya ng entertainment reporter na si MJ Marfori kamakailan lang at mukhang may ilu-look forward tayo sa kanya!

Ayon sa aktres, posibleng this year magkaroon na ng update ang upcoming movie niya with Direk Mikhail Red.

Kung matatandaan, last year pa nang inanunsyo ang bagong horror movie ni Nadine na pinamagatang “Nokturno,” ngunit wala pang petsa kung kailan ito ipapalabas.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre nabihag ang puso ni Park Min-Kyu: ‘She’s really beautiful’

Makakasama niya sa nasabing pelikula sina Bea Binene, Eula Valdez, Wilbert Ross, at JJ Quilantang.

Anyway, ito ang naging sagot ng aktres sa tanong ni MJ: “We’re still waiting. I don’t really know what update on that is, but definitely this year it will be, you know, they will give us more updates.”

“Ako lang, hindi ako sure because I’m so busy with other stuff,” sey pa niya.

Nang tanungin naman siya tungkol sa kumakalat na chikang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN, tila nanatiling tikom ang kanyang bibig.

“Ang dami namang nagli-leak…We’ll see,” tugon ni Nadine.

Dagdag niya, “At the end of the day, it’s really just about the right timing and the right project. So doon talaga nagkakatalo.”

Follow-up question ng reporter, “So there’s an offer?”

Esplika naman ng aktres, “Meron namang nagpi-pitch. Yeah, there are pitches.”

“Nag-aantay lan din naman ako. I’m not rushing,” wika pa ni Nadine.

Pagbabahagi rin niya, “This year I promise myself na hindi ako tatanggap ng masyadong maraming work because it’s really hard to focus on one thing.”

Iginiit niya na magfo-focus siya ngayong taon sa paggawa ng musika at pag-aasikaso sa kanyang mga negosyo.

Maaalala noong Oktubre ng nakaraang taon, opisyal na ni-launch ni Nadine at ng kanyang partner na si Christophe Bariou ang kanilang wine business – ang “Maison Bukana Wines.”

At makalipas ang halos isang taon, ibinunyag ng aktres na nagbukas sila ng plant-based restaurant sa Siargao.

Read more...