Chavit mamimigay ng P7-M sa kanyang b-day; may update sa ‘Vagabond 2’

Chavit mamimigay ng P7-M sa kanyang b-day; may update sa 'Vagabond 2'

ANG bongga ng magiging birthday celebration this year ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson dahil sa halip na siya ang tatanggap ng regalo siya ang magbibigay ng bonggang pa-surprise.

Yes, tulad ng kanyang ginawa sa mga nakaraang taon, magkakaroon ng#HappyLifeforAll Birthday Raffle si Manong Chavit sa kanyang kaarawan sa June 21, 2024.

Magbibigay siya ng kabuuang P7 million  sa mga netizen – 600 dito ang mananalo ng P10,000 at isang lucky winner ang makatatanggap ng P1 million!

Para makasali at makapagparehistro, i-download ang E-Gracia app para opisyal na makapagrehistro sa raffle.

Ang pagpaparehistro ay para sa kapakanan ng parehong kaginhawahan at seguridad ng lahat ng mga kalahok sa raffle.

Baka Bet Mo: Chavit Singson hiyang-hiya kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, anyare!?

I-like at sundan ang kanyang Facebook Page para sa karagdagang detalye at update sa raffle sa https://www.facebook.com/share/uzkXZsQgvVBBTbQN/?mibextid=LQQJ4d

Narito ang form sa pagpaparehistro: https://forms.gle/Qzs9CPRpmoxoRoCW7.

Tandaan na punan ng mga tamang detalye para matiyak na maabot ka kapag naging isa ka sa mga lucky winners. Huwag palampasin ang kasiyahang ito, makiisa sa birthday raffle at sumalo sa ilang kamangha-manghang mga sorpresa.

Para magparehistro sa raffle watch, panoorin ang video sa link: https://web.facebook.com/lcsluischavitsingson/videos/783569083880968/

Samantala, nagbigay din si Manong Chavit ng update tungkol sa season 2 ng hit Korean drama series na “Vagabond” kung saan isa siya sa mga magiging producer.

Aniya, dalawang beses nang bumisita sa Vigan ang mga writer ng naturang K-Drama para mag ocular sa mga lugar kung saan posibleng kunan ang mahahalagang eksena sa serye na pagbibidahan ng Korean superstar na si Lee Seung-gi.

“Yung mga writers nagpunta na ng Vigan twice. Nag-ocular na sila. Nag-aabang lahat ng mga tao,” sey ni Manong Chavit.

Pero aniya, wala pa siyang idea kung sinu-sino ang mga Filipino actor na makakasama sa “Vagabond Season 2.”

Tungkol naman sa kung kailan sisimulan ang  shooting ng protekto, “Sa Korea kasi kinukumpleto pa storya. Inaabangan ng lahat kasi hindi malaman kung sino ang mastermind.”

Read more...