SB19 Stell, Julie Anne magsasanib-pwersa sa entablado, may 2-night concert

SB19 Stell, Julie Anne magsasanib-pwersa sa entablado, may 2-night concert

PHOTO: Instagram/@myjaps

MAGKAKAROON ng team up ang main vocalist ng SB19 na si Stell at ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose!

Sila ay nakatakdang magsanib-pwersa para sa two-night concert sa darating na Hulyo.

Ang masayang balita ay ibinandera ng dalawang music artists sa kani-kanilang Instagram pages, kalakip ang isang candid black-and-white photo.

“Tara, sound trip tayo. Sagot namin ang playlist mo,” caption sa post.

Wika pa, “We proudly present JulieXStell: Ang Ating Tinig.”

Baka bet Mo: SB19 Stell sa tumawag sa kanya ng ‘panget’: Hindi naman ako nasaktan

Bago ‘yan nagkaroon pa ng pa-teaser si Julie Anne kung saan nag-post din siya ng picture nilang dalawa, pero nakatalikod si Stell.

Lahad niya sa caption, “The back-to-back you have been waiting for,” kalakip ang hashtag na “JulieXStell.”

Sa interview ng news program na “24 Oras,” ibinahagi ng dalawa kung ano ang mga aabangan ng fans sa kanilang upcoming shows.

“That’s why ‘Ang Ating Tinig’ kasi ipapakita nami ni Stell ‘yung iba’t ibang klaseng range na makikita n’yo dito sa concert,” pagbubunyag ni Julie Anne.

Paliwanag niya, “So first ‘yung range ng mga boses namin, ‘yung range namin together, and ‘yung range ng OPM.”

Dagdag naman ni Stell, “Gusto namin ‘yung mapapakita talaga namin is something na alam namin na strength talaga namin but wala naman ding masama mag-try kami ng something new.”

Last year, nagsilbi silang judges sa “The Voice Generations” sa GMA-7 at ang grupo ni Stell ang nagwagi sa singing competition.

Ang concert nina Julie Anne at Stell ay magaganap sa New Frontier Theater sa darating na July 27 at 28.

Read more...