Kim Chiu buong tapang na nag-skydiving, Bela Padilla nag-react

Kim Chiu buong tapang na nag-skydiving, Bela Padilla nag-react

GAME na game na sinubukan ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang extreme activity na skydiving sa Dubai.

Ang masaya ngunit nakakatakot na experience ay ibinahagi ng dalaga sa kanyang sa kanyang Instagam page.

“Cuz I can Fly.” SKY IS THE LIMIT!!! [emojis]
another [check emoji] on my #KIMadvenCHIUre list!!!” caption ni Kim sa kanyang Instagram reel.

Talaga namang nakakaloka dahil nasa 30,000 feet ang taas ng adventure ng aktres.

Baka Bet Mo: Paulo Avelino ‘minukbang’ si Kim Chiu: I hope she felt safe with me

Marami sa mga netizens lalo na ang mga supporters ni Kim ang humanga sa breathtaking experience ng dalaga.

“Prime example of living life to the fullest!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “I got emotional while watching this. parang ang sarap sa pakiramdam magawa to.”

“I love skydiving! So proud of you, Kim. Not many can do it, but you did it!!!” sey pa ng isa.

Maging ang kapatid nitong si Lakam at malapit nitong kaibigan na si Bela Padilla ay napa-comment sa buwisbuhay trip ng Kapamilya star.

“Wowww!!!!!Another #CHIUAdventure unlock booggggsssshhh!!!! Solid,” saad ni Ate Lakam.

Kuwestiyon naman ni Bela, “Kim bakiiiit [laughing emoji].”

Matatandaang lumipad ang aktres papuntang Dubai kasama ang kanyang ka-love team na si Paulo Avelino para sa Kapamilya Kalayaan Caravan 2024.

Read more...