NCAA FINAL FOUR UMPISA NGAYON

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
12:30 p.m. Letran vs San Sebastian
2:30 p.m. San Beda vs Perpetual Help

HANAP ng San Beda at Letran ang puwesto sa Finals habang sudden death ang gusto namang ipuwersa ng Perpetual Help at San Sebastian sa pagsisimula ngayon ng 89th NCAA men’s basketball Final Four sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Unang magtutunggalian ang Knights at Stags sa ganap na alas-12:30 ng tanghali bago sundan ng bakbakan ng Red Lions at Altas dakong alas-2:30 ng hapon.

Tumapos ang Red  Lions (15-3) at Knights (14-4) sa unang dalawang puwesto matapos ang double round elimination para magkaroon ng twice-to-beat advantage.

Sa kabilang banda, ang Altas at Stags ay kailangang manalo ngayon para magkaroon ng rubbermatch sa Sabado para sa puwesto sa Finals na inilagay sa best-of-three series.

Winalis ng tropa ni San Beda coach Boyet Fernandez ang bataan ni Perpetual coach Aric Del Rosario sa kanilang dalawang pagtutuos ngunit mahirap sabihin na matikas pa rin ang ilalaro ng three-time defending champion matapos ang kontrobersya na sinuong ni Ryusei Koga.

Si Koga ay inaakusahan na naglaro sa ligang labas kasabay ng NCAA pero ang imbestigasyon ay itinigil ng Management Committee para hindi masira ang iskedyul sa Playoffs.

“We hope to bring the right attitude for this game,” wika ni Fernandez.

Kailangang maging matibay ang Red Lions dahil magnanais ang Altas na ipakita na kontender sila sa liga, bagay na pinagdududahan ngayon matapos matalo sa kanilang huling limang laro.

Angat din ang Knights dahil hawak nila ang 2-0 baraha sa Stags.

Ngunit walang pressure ang Baste dahil walang nag-akalang papasok sila sa yugtong ito dahil ang koponan ay binubuo ng mga baguhan na sina CJ Perez, Jamil Ortuoste, Bradwyn Guinto at Leo de Vera.

“Our goal is to get better in our games. Whatever happens, I consider this team as winners already because except for us and the school, nobody really expected us to be here,” banggit ni Stags coach Topex Robinson.

Read more...