ENRIQUE GIL payag magkadyowa ng MATRONA


DAHIL sa tagumpay ng pelikulang “She’s The One”, tiyak na level up na  pagdating sa aktingan ang Kapamilya hunk actor na si Enrique Gil.

Halos lahat ng mga nakausap namin na nakapanood sa pelikula kung saan kasama niya sina Bea Alonzo at Dingdong Dantes ay todo papuri kay Enrique, anila, hinog na nga ang aktor at pwede nang isabak sa malalaking proyekto.

Hindi talaga nagpalamon si Enrique sa galing ng performance nina Bea at Dingdong. Siyempre, isa sa mga hindi malilimutan ni Enrique sa nasabing movie ay ang kissing scene nila ni Bea, at kung mabibigyan uli siya ng chance, sana raw ay makasama uli niya ang aktres at game na game raw siya kung meron uli silang mga intimate scenes.

Nang tanungin si Enrique kung posible rin ba siyang ma-in love sa isang babaeng mas matanda sa kanya tulad nang nangyari sa “She’s The One”, “Oo, I mean para sa akin kung mahal mo talaga ang isang tao na hindi mo mapigilan, siguro puwede oo naman. Nothing is impossible naman.

Pag may something, may something talaga.”  Mey ganyan! E, kung parang nanay o lola na niya, pwede pa rin kaya? Ha-hahaha! Baka naman!

Aba, mapagbiro kung minsan ang tadhana, di ba? Paano nga kung bigla siyang ma-attract sa isang matrona? Keri pa rin kaya niyang makipagchurvahan?

( Photo credit to Google )

Read more...