NANGHIHINAYANG ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz na hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang yumaong aktres na si Cherie Gil.
Bata pa lang daw siya ay talagang idol na niya ang award-winning actress kaya nang pumasok siya sa showbiz ay pinangarap niya itong makasama sa isang project.
“Dream ko po talagang makasama si Ms. Cherie, pero hindi na ako nabigyan ng chance na maka-work siya. And because of her, kaya nag-decide rin akong mag-showbiz and became an actress.
Baka Bet Mo: Direk Njel de Mesa nakatapos ng 10 pelikula; Malditas in Maldives aariba
“That’s why I cried when she passed on. She’s such a great actress! She reminds me of those Hollywood actress,” ang pahayag ni Arci nang makachikahan siya ng BANDERA kamakailan.
Nakausap namin ang aktres at singer matapos siyang tanghaling Best International Filipino Actress sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival na ginanap sa Japan para sa pelikulang “Malditas in Maldives” na idinirek ni Njel de Mesa under NDM Studios.
Sundot na tanong namin kay Arci kung na-meet ba niya o nakatrabaho niya si Cherie Gil noong nabubuhay pa ito, “Hindi nga, e. Sayang talaga.”
Isa pa raw sa mga female celebrities na nais niyang makatrabaho at siguradong mai-starstruck daw siya kapag nakita at nakasama niya nang personal ay ang Broadway superstar na si Lea Salonga.
“My second idol that like I’m gonna freak out when I see her is Ms. Lea Salonga. Ha-hahaha! Yung hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya. Baka matutulala talaga ‘ko at hindi makapagsalita.
Baka Bet Mo: Piolo Pascual, Arci Munoz may ‘something’ nga ba?
Saan nanggagaling yung pagiging super fan niya ni Lea? “Mahilig kasi ako sa fairytale and she’s a Disney Princess. And wow! She sings so well and parang there’s only one Lea Salonga!
Feeling daw niya lahat ng characteristics at persona ng mga Disney Princess ay taglay niya, “I think I can relate to all the Disney Princess. Pero kung isa lang I wanna be Mulan because she’s Ms. Lea.
Sa mga male stars naman sa local showbiz industry, gustong makatambal ni Arci ang Teleserye King na si Coco Martin at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at sana raw very soon ay magkaroon sila ng projects.
Samantala, hanggang ngayon ay nasa Cloud 9 pa rin si Arci dahil sa natanggap niyang bagong blessing, ito ngang Best International Filipino Actress award mula sa Jinseo Arigato International Film Festival.
“This is my first ever recognition for the craft that I really, really love to do. And wala po akong nakikitang pwede ko talagang gawin in my lifetime other than acting and being an actress.
“And to be recognized, internationally, ito yung una kong award mula nang maging artista ako, like first ever, si I am so happy!” kuwento ng aktres na isa rin sa mga producer ng “Malditas In Maldives.”
Patuloy pa ng dalaga, “Nu’ng tinawag ang name ko, I was kinda emotional kasi nandu’n din yung mom ko. Kasi sila yung inspiration ko, my family, my mom and my dad, especially.”
Napanood namin ang isang tuhog na eksena ni Arci sa movie kung saan kasama niya sina Kiray Celis at Janelle Tee. In fairness, siguradong isa iyon sa mga nagmarka sa mga hurado ng Jinseo Arigato International Film Festival kaya siya nabigyan ng award.
“Malditas In Maldives” is about three warring vloggers stuck on an island in Maldives to feature a resort. Ito’y matapos mai-report na nawawala ang sinasakyan nilang eroplano.
Feeling ng tatlong girls ay nasa paraiso sila pero habang tumatagal ay tila nararamdaman nilang nasa purgatoryo na sila matapos maaksidente ang kanilang eroplano.
Kuwento naman sa amin ni Direk Njel, marami silang hinarap na challenges habang nagsu-shoot sila sa Maldives.
“Pinasara namin yung resort during the filming. Kung hindi ko kaibigan yung mga artista sa ‘Maldives,’ I wouldn’t have survived the shooting.
“I lost my camera equipment, like the underwater camera. Nabalikan naman pero naghagilap talaga kami. May sakit si Arci for two days in Maldives.
“Hindi ako makapag-shoot dahil may sakit siya tapos nawala rin luggage niya. Buti na lang nagtago si misis ng isang set ng costume sa carry-on luggage n’ya,” pag-alala ng direktor.