HUMINGI ng tawad ang national athlete at miyembro ng Alas Pilipinas volleyball team na si Sisi Rondina sa mga fans ng SB19.
Ito ay kaugnay sa hindi pagkakakilala ng atleta sa P-Pop boy group na SB19.
Nag-live sa Instagram si Sisi at ikinuwento niya ang nangyari sa nagdaang Independence Program sa South Korea.
Aniya, tinanong raw siya kung ano ang pinakainaabangan niya sa naturang event at may sumigaw raw ng pangalan ng SB19 ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya kilala ang grupo.
“Ay, hindi ko kilala ‘yon, Starbucks lang alam ko,” lahad ni Sisi.
Baka Bet Mo: SB19 magpapakilig sa Bb. Pilipinas; P1-M ang premyo sa coronation night
Hindi naman ito pinalagpas ng mga fans ng SB19 at agad na sinalakay si Sisi kaya agad itong nag-trending sa X (dating Twitter).
Bandera IG
Agad namang nag-reach out si Sisi sa mga fans na na-offend at sinabi niyang hindi talaga niya kilala ang grupo at lubos siyang humihingi ng tawad sa lahat ng mga hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.
“So ayun, ang daming na-offend. Sorry po talaga. I’m really sorry,” sinserong sabi ng balibolista.
Samantala, naglabas naman ng statement ang leader ng SB19 para sabihan ang fans na tigilan na ang pambabash kay Sisi.
““Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupo namin. Hindi sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT’S FINE! There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos.
“At the end of the day, we’re proud of, and respect, every Filipino who’s made strides to uplift the country whether sa music, sa sports, and sa iba pang larangan,” sabi ni Pablo.