NANINIWALA kami na mas marami na ang nakakaintindi at sumusuporta ngayon sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community kesa nitong mga nagdaang panahon.
Dahil diyan, mas marami na rin ang lumalantad at umaamin sa kanilang tunay na pagkatao, kabilang na ang mga sikat na celebrities sa entertainment industry.
Ngayong Pride Month, naglista kami ng ilang celebrity couples na walang takot na ibinandera ang kanilang relasyon sa buong universe kahit na alam nilang kukuyugin, lalapastanganin at pandidirihan ng ibang tao, lalo na yung mga hindi pa rin matanggap sa lipunan ang LGBTQIA+ community.
VICE GANDA & ION PEREZ
PINATUNAYAN nina Vice at Ion na totoong-totoo ang kasabihang “Love Wins” dahil sa tindi ng natanggap nilang pambabatikos nang lumantad sila sa publiko, hindi sila nagpatalo at nagpaapekto.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nangnenega sa celebrity couple ngunit dedmadela lang ang dalawa. At habang tinutuligsa sila ng mga nagpapakilalang moralista, patuloy nilang ipinagsisigawan sa buong universe ang abot-langit na pagmamahal nila sa isa’t isa – #Unbothered!
Sabi ni Ion nang tanungin kung ano ang fear niya na pwedeng mangyari in the future, “Ang kinatatakutan ko po ay ang matapos kung anuman ang mayroon sa amin ni Vice. Sobrang special po siya sa akin.”
Mensahe naman ng Phenomenal Box-Office Star, “Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko. Hanggang nakilala ko sya. Lahat biglang nagbago. Sinagip niya ko bago ko tuluyang malunod.
“Siya ‘yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako. Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po s7iya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po’y lagi siyang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot niyong habang buhay ko siyang makasama. Kasi po mahal na mahal ko siya.”
ICE SEGUERRA & LIZA DIÑO
Napakarami ring pinagdaanang challenge ng relasyon ng mag-asawang Ice at Liza, lalo na ang pagharap sa mga taong nanghuhusga sa kanila bilang LGBTQIA+ couple.
Pero sa kabila nito, mas pinili nilang ipaglaban ang pagmamahal sa isa’t isa at ibandera sa buong mundo na may karapatan din silang magsama as married couple. Nagpakasal sila sa Amerika noong December, 2014.
“People who had their opinions were saying mean things. They criticized and bashed us. I saw her getting affected and that really hurt me. Na-feel ko lang na dapat ko pa ba ituloy ito na baka nakakasira ako sa kanya? But yung reassurance naman niya sa akin is that she is okay as long as I am there for her,” pahayag ni Ice.
Sabi naman ni Liza, “I mean, a lot of improvements have been made. But there’s still a lot more to do. It’s so simple to let people live their lives peacefully. Unfortunately, society doesn’t allow us to do that.
“We share our experiences as an LGBT family because we believe that LGBT families need more visibility, especially in the Philippines, where traditional and conservative views on family still prevail,” aniya pa sa isang interview.
Dagdag pang sabi ni Liza, “It’s important to recognize that there is no one-size-fits-all approach to love. We shouldn’t impose our own perspective of what love should be onto others. We all have different ways of expressing love. But at the end of the day, love is love, and love will win if what you share is authentic and sincere.”
SHERYN REGIS & MEL DE GUIA
“Mas naging masaya ako. Kasi, hindi ko naman kailangang magmukhang lalaki, ito yung preference ko, pero mas happy ako. Naging mas masaya at naging humble ako,” ang pahayag ni Sheryn tungkol sa pag-come out niya bilang member ng LGBTQIA+ community.
Kasabay nga nito ang pagpapakilala niya sa publiko sa kanyang partner na si Mal de Guia noong 2021, “I’m very open, I’m flaunting kasi alam ko na nandiyan ang support ng pamilya ko.”
Ang reaksyon naman ni Mel sa pagiging proud sa kanya ng biriterang singer, “Of course, flattered ako and, at the same time, overwhelmed. Siyempre, hindi naman namin ito plinano o pinag-usapan.
“Tinanggap ko si Sheryn bilang ordinaryong tao, si Sheryn lang. Hindi yung sasabihin mong ‘ah noong 20 years ago,’ noong kasikatan niya. Siguro kung yun siya, parang hindi ko rin nakikita ang sarili ko sa ganung sitwasyon.
“Pero this time, nakita ko kasi yung hindi nakikita ng iba. Hindi siya nagpakita sa akin ng taas, pantay kami. Kaya iba yung feeling noong nakilala ko siya,” ang pahayag pa ni Mel.
At knows n’yo ba na walang nangyaring ligawan sa kanila? Nang maramdamang gusto na nila ang isa’t isa at na-feel nila ang “magic” ng pag-ibig — yun na yun!
BOY ABUNDA & BONG QUINTANA
Knows n’yo ba na 35 years nang nagsasama bilang partners sina Tito Boy at Bong? At in fairness, solid na solid pa rin ang kanilang relasyon. Sana all, di ba?!
Inamin ng King of Talk na tulad ng ibang couples, dumaraan din sila sa mga pagsubok pero hindi raw sila nagpapatalo kaya until now, maligaya pa rin sila ni Bong sa piling ng isa’t isa.
“Ang dami kong kasalanan kay Bong. Humingi ako ng tawad sa aking partner because I am imperfect, just as he is imperfect. Ang alam ko lamang, my love…our love for each other, is bigger than any sin. Patuloy kaming nagpapatawaran,” kuwento ni Tito Boy.
Sa isyu naman ng pakikipag-flirt sa ibang lalaki, ito lamang ang sagot ng premyadong TV host, “Hindi kalian man ako nagsisinungaling kahit kanino…alam nilang lahat na una sa buhay ko si Bong. I made sure na hindi ako nalilito, that I was never lost. I always find my way back to the heart of Bong.”
Nang matanong naman si Tito Boy kung nagkakakuwentuhan sila noon ng namayapa niyang inang si Nanay Lesing about his sexuality and his relationship with Bong, “Hindi namin napapag-usapan ng nanay ko yung journey ko as a gay man. But I knew she knew it. She loved Bong like her own son.
“Meron lang siya na sinabi sa akin na alagaan si Bong. Light lang ang pagkasabi niya. Mag-alagaan kayo. She had more conversations with Bong. Nagtatawanan sila. May tiwala siya kay Bong kapag umuuwi kami ng Samar because Bong was a flight steward. Minsan nga nagseselos nga ako eh.
“I would love to talk to Nanay about being gay. Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi kami pwedeng ikasal. Gusto ko rin ipaliwanag sa kanya kung bakit ganito na lang ang nangyari (live-in),” lahad pa ni Tito Boy.
KALADKAREN & LUKE WRIGHTSON
Ilang taon nang engaged ang TV host-actress na si Kaladkaren sa kanyang British fiancé na si Luke pero dahil sa dami ng projects at commitments niya ay hindi pa rin nangyayari ang kanilang dream wedding.
Kahit mahirap, talagang ginagawa nina Kaladkaren at Luke ang lahat para mag-work ang kanilang LDR o long-distance relationship. Mahalaga raw talaga sa isang LDR ang trust at communication.
“Marami sigurong mas gwapo kay Luke, mas mayaman kay Luke. Pero hindi ko makukuha sa kanila ‘yung nakuha kong assurance na pagmamahal, na unconditional love. So, kumapit talaga ako na parang, ‘Ito na to!’ Nararamdaman ko na,” sabi ni Kaladkaren.
Kuwento pa ng TV5 anchor, ang theme song daw nila ni Luke ay ang kanta ni Elton John na “Your Song”, “Handa akong ibigay ang buong buhay ko, ang buong pagmamahal ko sa’yo. I may not have a lot of things to offer but what I’m offering you is my life and what matters in me.”
Nang matanong kung ano ang gagawin niya kapag biglang umurong sa engagement at kasal nila ang kanyang dyowa, “Wag siyang mag-backout ang dami na niyang na ipundar sa akin! Ha-hahaha!
“Matatakot mag-backout yun. Siya yung nakapagpundar ng marami. At tsaka close na close na ako sa family niya. Close na close na siya ng pamilya ko.
“Pero, actually kahit nga wala ng kasal parang for me, siya pa rin ang pipiliin ko. Parang formality na lang yun e. Pero yun nga e, gusto kong ibigay yun sa aming dalawa because we both believe in marriage. So gusto naming maikasal. So pinipilit ko talaga,” aniya.
Sa pagkakaroon naman baby, “Actually, yun nga depende kasi kung mabubuntis talaga ako this year. We’re trying our best. Charot!
“Iniisip namin magka-baby (through surrogacy) pero sana pag mga 35 na ako, so mga four to five years from now. Kailangan muna nating mag-ipon at mahirap magkaroon ng anak at ang daming responsibilidad na kaakibat niyan,” sabi pa ni Kaladkaren.