Kung sasagutin ni KC Concepcion si Paulo Avelino, isang binatang ama na naman ang makakarelasyon niya. O, hindi ba, may anak din ang ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual?
Kaya nga ang tanong ng bayan, bakit lapitin ng mga batang ama ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta? Well, wala namang masama, dahil single naman si Paulo, ‘yun nga lang, unfair kay KC dahil siya ay walang kasabit-sabit, kaya tiyak na hindi maibibigay ni Paulo ang 100% niyang atensiyon sa aktres.
Well, ano pa nga bang magagawa natin kung ma-in love si KC kay Paulo, di ba? Pero kung ang pagbabasihan natin ay ang mga reaksiyon ng mga netizens, mukhang ayaw nilang magkatuluyan ang dalawa.
May nagsasabi na wala silang makitang kilig kina KC at Paulo, ang tingin nga nila ay mukha raw mag-ate ang dalawang Kapamilya stars. Intimidating daw kasi ang itsura ni KC samantalang baby-baby naman ang aura ni Paulo.
Pero ayon naman sa isang friend namin, ganyan naman daw talaga sa showbiz, kapag nagkakagustuhan ang dalawang artista, pipiliting umamin na sila na, pero kapag magdyowa na, gusto naman nilang maghiwalay na.
Sa isang panayam, nilinaw naman ni Paulo na wala siyang intensiyong magpakakontrobersiyal sa pag-amin niyang nagde-date sila ni KC, nagpakatotoo lang siya dahil ayaw na niyang masabihan ng denial king.
Sabi nga niya, “As much as possible, I really would want to keep a private life, a very quiet and peaceful life.” Natutuwa naman si Paulo sa balitang aprub si Mega sa kanya bilang manliligaw ni KC, “Of course, kung happy naman si KC, kahit naman siguro sinong nanay, kung nakikita sigurong masaya yung anak niya, siyempre magiging happy siya.
“But I am not really sure if it’s just me na nagpapasaya sa kanya. Pero, I’m sure there are a lot of things na nagpapasaya kay KC,” sey pa ng aktor na napapanood ngayon gabi-gabi sa pinag-uusapang serye na Honesto sa Primetime Bida ng ABS-CBN pakatapos ng TV Patrol.
( Photo credit to Google )