Kim naimbiyerna raw sa kadaldalan ni Xian: Paulit-ulit na lang

Kim naimbiyerna raw sa kadaldalan ni Xian: Paulit-ulit na lang

Xian Lim at Kim Chiu

TILA na-bad trip na si Kim Chiu sa ex-dyowa niyang si Xian Lim dahil sa patuloy nitong pagsasalita tungkol sa nagtapos na nilang relasyon.

Habang tahimik at nananatiling tikom ang bibig ni Kim hinggil sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor at direktor, wala namang tigil si Xian sa pagpapa-interview about their past relationship.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sinupalpal ng ex-dyowa: Hindi ka lang scammer, oportunista ka pa!

In fairness naman kay Kim, talagang nakikiusap siya sa mga nag-iinterbyu sa kanya na huwag nang pag-usapan ang breakup nila ni Xian bilang respeto na lang sa 12 years nilang relationship.


“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” pahayag ni Kim sa panayam ng ABS-CBN.

Nangako rin daw siya sa kanyang sarili na hindi na niya babalikan ang past nila ni Xian kung matatanong siya ng press hinggil dito.

“Parang ‘yung post ko nu’ng December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin.

Baka Bet Mo: LGBTQ members na-bad trip nang makitang magkasama sina Pacquiao at BB sa US

“Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” ang makahulugang sabi pa ni Kim sa naturang panayam.

Umaasa ang Kapamilya actress at TV host na titigil na ang kanyang ex-boyfriend sa pagsasalita at pagbibigay ng detalye about their past relationship.


“It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama ‘yung loob ko,” ani Kim.

Sa nasabing panayam, hindi rin napigilan ng dalaga ang maging emosyonal, “Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other.”

Bago mag-Pasko noong 2023, kinumpirma nina Kim at Xian na tinatapos na nila ang 12 years nilang love story.

Sey ni Kim sa kanyang official statement, “It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship.”

Read more...