Moviegoers nami-miss na ang mga pelikulang gawa ng mga premyadong direktor

Moviegoers nami-miss na ang mga pelikulang gawa ng mga premyadong direktor

Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Joey Reyes

“HINAHANAP na ng mga tao ang mga pelikula nina Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Joey Reyes at iba pa,” ito ang sabi ng aming kausap na nami-miss na niya ang uri ng pelikulang gawa ng mga nabanggit.

Sabi namin ay retirado na sina Direk Olive (Inang) at Rory, si Direk Laurice naman ay nandiyan pa nagdi-direk more on TV series at the same time ay umaarte rin, si Direk Joey ay baka walang time na dahil Chairman na siya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

At ibig sabihin pala ng aming kausap, “Kaya walang kumikitang local movies ngayon ay dahil hindi kagandahan ang mga pelikulang directed by newbie directors.”

Dagdag pa, “Hindi mo rin masisi ang producers kasi ang mga sikat na direktors ay mahal ang mga talent fees unlike sa mga baguhan mura na kasing mura rin ng gawa nilang pelikula.”

Hirit namin na maraming baguhang direktors ang mahuhusay at mga nahirang na ring “Best Directors” kaya parang unfair kung sabihing hindi magaganda ang gawa nila.

Baka Bet Mo: Laurice Guillen ‘nahirapan’ sa kaisa-isang eksena nila ni Joshua Garcia sa ‘Unbreak My Heart’, bakit kaya?

“What I mean for newbie directors ay ‘yung hindi mo kilala talaga, hindi mo pa narinig ang names nila na magugulat ka na lang na may pelikulang ganito o ganyan tapos hindi kilala ang direktor.

“Siyempre ang moviegoers hindi sila susugal sa pelikulang hindi na nga nila gaanong kilala ang mga artista lalo naman ang direktor,” giit ng aming kausap na may kinalaman sa industriya.

May punto naman na totoong mahal na ang mga premyadong direktor, hindi ba’t bigyan din dapat ng tsansa ang mga baguhang filmmakers na nangangarap na maging isang Olive Lamasan, Rory Quintos, Joey Reyes, Joel Lamangan, Laurice Guillen, Chito Rono at iba pang premyadong direktor.

Ang mga dating baguhan na nabigyan ng chance na sikat na at mga award-winning ngayon ay tulad nina Sigrid Andrea Bernardo, Dolly Dulu, Deric Cabrido, Perci M. Intalan, Cathy Garcia–Sampana, Jason Paul Laxamana, Victor Villanueva, Theodore Boborol, Mikhail Red, Nuel Naval, Antoinette Jadaone, Dan Villegas, Jun Robles Lana, at maraming iba pa.

Kaya sana bigyan ng chance ang mga baguhanng susunod sa henerasyon ng mga nabanggit na direktors.

“Tapos ang mahal ng sine ngayon, ‘yung isang libo o pang isang tao lang kasi magkano sine, magkano pamasahe, at kakain ka pa.  Kung minimum wage earner ka, e, mas uunahin mong bumili ng bigas kesa manood ng sine.

“Isa pang dahilan kaya humina talaga ng husto ang mga nanonood ng sine ay dahil sa napakaraming streaming platforms ngayon na mura ang monthly at kasama mo pa ang mga miyembro ng pamilya mong manood,” pahayag pa ng aming kausap.

Wish pa rin naming na sana bumalik na ang tao sa mga sinehan hindi lang tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read more...