DongYan, Alden, Julia, Kathryn, Piolo ‘Box Office Heroes’ sa 7th EDDYS

DongYan, Alden, Julia, Kathryn, Piolo 'Box Office Heroes' sa 7th EDDYS

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual

BILANG pagkilala at pagpapahalaga sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry noong nakaraang taon, magkakaroon ng bagong special award ang 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice.

Inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pamamahagi ng Box Office Hero Award sa gaganaping awards night ng ika-7 edisyon ng The EDDYS sa darating na July 7, 2024, 7 p.m..

Mangyayari ang pinakaaabangang gabi ng parangal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ruru: Lahat tayo pwedeng maging bayani tulad ni Black Rider!

Mapapanood din ang kabuuan ng 7th EDDYS awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..


Ang Box Office Hero Award ay igagawad bilang pagbibigay-pugay sa mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

“Each of the films cited in this year’s Box Office Hero award has earned more than P100 million at the box office,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Baka Bet Mo: Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!

“The figures they produced are more than enough to inspire the industry to continue producing films that are both commercially viable and artistically impactful,” aniya pa.

Igagawad ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.

Tumabo sa takilya ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng mag-asawang Dingdong at Marian na “Rewind” mula sa Star Cinema, Agosto Dos Media at APT Entertainment. Ito ngayon ang itinuturing na highest-grossing local film of all time, matapos kumita ng P1 billion.

Certified box office stars na rin sina Alden at Julia dahil sa pelikula nilang “Five Breakups and A Romance” mula sa GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad Entertainment. Kumita ito ng mahigit P100 million sa takilya.


Kikilalanin din si Kathryn bilang isa sa Box Office Heroes ng The EDDYS matapos humakot ng milyun-milyong piso ang pelikula niyang “A Very Good Girl” na ipinrodyus ng Star Cinema.

Ang dark comedy-thriller na ito ay nakapag-record ng P100 million box office gross.

Samantala, pararangalan din si Piolo bilang Box Office Hero dahil sa tagumpay ng pelikula niyang “Mallari” mula sa Mentorque Productions na itinanghal namang second box-office winner sa MMFF 2024.

Umabot sa mahigit P225 million ang kinita nito sa mga sinehan.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

Read more...