NILINAW ng Kapuso star at beauty queen na si Rabiya Mateo ang kumakalat na blind item tungkol sa celebrity couple na gustong makapasok nang libre sa concert ng Korean superstar na si IU.
Matatandaang nitong Sabado, June 1, nagkaroon ng concert ang kilalang Korean singer-actress na ginanap sa Philippine Arena.
Base kasi sa kumakalat na blind item ay may isang aktor at isang beauty queen na biglang pumasok sa concert venue na hindi pa bayad at bet pang umupo sa VIP seat.
Baka Bet Mo: Rabiya, Jeric hindi pinakikialaman ang cellphone ng isa’t isa: Tiwala lang
May mga ipinakita rin sa post na IG story ng nasabing Kapuso actor habang busy itont manood ng concert.
Agad namang pinalagan ni Rabiya ang ibinabatong alegasyon laban sa kanila ng kanyang dyowang si Jeric Gonzales.
Depensa ng Kapuso actress-beauty queen, nagbayad sila ng concert ticket na nagkakahalagang P12,000 para mapanood si IU.
Saad ni Rabiya, “While others are so quick to have assumptions without getting their facts right shows how people believe what they see online. Not everything you read is true. Not everything you see is real. Not everything you hear should be posted online at the expense of other people.
“However we have laws to protect the innocent and punish those who are guilty.”
Giit pa ni Rabiya, nakita rin ng ibang tao kung paano sila pumila sa mga pinuntahan nilang concert gaya ng kina Lee Min Ho, Ed Sheeran, at Coldplay. At never rin silang umastang VIP sa mga concert.
Agad namang naglabas ng apology statemebt ang naturang admin ng Facebook page na nagpakalat ng blind item.
Inamin ng admin na nagkamali siya at hindi siya nagsagawa ng fact checking at dumipende lang sa narinig sa usher tungkol kila Rabiya at Jeric.
Sinabi rin nito na marami rin pala ang nabiktima ng duplicate tickets gaya ng celebrity couple.
In-acknowledge naman ni Rabiya ang inilabas na statement ng admin at sinabing nag-reach out na rin ito sa kanila.
“The admin of this page already apologized to us. None of these is true or real.
“Again, we paid for our tickets. The admin took responsibility for saying she doesn’t know the usher and made the post out of hearsay,” sey pa ni Rabiya.