‘FPJ’s Batang Quiapo’ mas matindi, mas astig ang mga eksena, puno ng pasabog

'FPJ's Batang Quiapo' mas matindi, mas astig ang mga eksena, puno ng pasabog

PHOTO: Screengrab from ‘FPJ’s Batang Quiapo’

TEAM replay kami lagi sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” kasama na ang TV Patrol dahil hindi magtama ang oras namin kapag umeere na ito sa Kapamilya channel, A2Z at TV5.

Ang daming layers ng kwento ng BQ dahil sabay-sabay itong tinatalakay tulad ng pagbubuntis ni Mercedes Cabral bilang si Lena na kabit ni Rigor played by John Estrada na itinira sa mismong bahay ng pamilya niya headed by Cherry Pie Picache as Marites, Ronwaldo Martin bilang si Santino at Yukii Takahashi na si Camille.

Ang mga nabanggit na lang ang nakatira sa bahay nina John at Cherry Pie dahil umalis na sina Lou Velosos as Noy at Ms. Charo Santos-Concio bilang si Tindeng dahil namasukan sila kina Tessie Tomas sa karakter na Senorita Bettina, Jaime Fabregas as Don Facundo, Ara Davao bilang si Katherine at Elijah Canlas na si Pablo.

Mortal na magkaaway sina Elijah at McCoy de Leon as David dahil nanliligaw ito sa kapatid niyang si Katherine bagay na tinutuluan ng una dahil nga sa magaspang na ugali ng kapatid ni Coco Martin as Tanggol.

Baka Bet Mo: Lovi Poe nag-babu na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’: Mokang…now signing off

Anyway, sa isang trailer na inilabas noong Mayo 24, ipinasilip ni Coco ang mas astig at palaban na Tanggol kung saan harap-harapan itong makikipagbakbakan sa kanyang mga kalaban.

“Mag-iiba na ‘yung character ni Tanggol. From the time na nakulong siya, lumaya, at sumubok magbagong-buhay. Ngayon, another level naman ng journey ang papasukin ni Tanggol,” paglalarawan ni Coco ng makapanayam siya ng ABS-CBN News tungkol sa bagong yugto ng buhay ng kanyang karakter.

Pagkatapos magtiis ng mahabang panahon sa pagpapaalipin sa kanya, reresbak na si Tanggol para bigyan ng hustisya ang kanyang mga mahal sa buhay. Isa sa mga pinaka-inaabangang komprontasyon ay ang makapigil-hiningang bakbakan ng mag-amang Tanggol at Ramon (Christopher De Leon).

Bagama’t hindi pa rin alam ni Tanggol na si Ramon ang tunay niyang ama, mag-isa niyang susugurin ito dahil naniniwala siya na si Ramon ang may kasalanan kung bakit namatay ang pinakaminamahal niyang si Mokang.

Umaatikabong sagupaan din ang mapapanood ng viewers sa harapan nina Tanggol at Pablo (Elijah Canlas). Magiging misyon kasi ni Tanggol ang protektahan ang kaibigan niyang si Bubbles (Ivana Alawi) pagkatapos ibintang kay Pablo ang pagmamaltrato na nangyari sa dalaga.

Pero hindi lang si Tanggol ang masasangkot sa gulo dahil inaabangan na rin ng mga manonood ang matinding komprontasyon ng biyenan ni Rigor (John Estrada) na si Tindeng (Charo Santos), laban kay Lena (Mercedes Cabral), ang kabit ni Rigor na umaastang reyna ng bahay.

Sa kasalukuyang umeere ngayon sa Batang Quiapo ay nabili na ni Elijah/Pablo ang bar kung saan nagtatrabaho sina Bubbles, Nikko Natividad at Coco sa may-ari nitong si Nino Muhlach.

At may ipinakitang ni-rape ni Elijah si Bubbles bagay na magkakagulo lalo at magkakaharap na ng tuluyan sina Coco at amang si Ramon.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Read more...