Aiko proud sa pag-graduate ng anak, tanggap na sa London school pero…

Aiko proud sa pag-graduate ng anak, tanggap na sa London school pero...

Aiko Melendez at Marthena Jickain

ANG saya-saya ni Aiko Melendez sa pagtatapos sa high school ng bunsong anak sa Saint Pedro Poveda College na si Marthena Jickain kahapon, Mayo 28.

In full force ang pamilya ni Marthena sa kanyang graduation dahil bukod sa Mama Aiko niya ay naroon din ang kanyang Tito na si Cong. Jay Khonghun na boyfriend ng konsehala ng 5th district ng Quezon City, ang lola niyang si Gng. Elsie Castaneda, tito Angelo Castañeda, kuya Andre Yllana at ang BFF niyang si Alexa Mildrie Madlambayan.

Baka Bet Mo: Julie Anne, David, Barbie handa bang ipaglaban ang taong minamahal hanggang kamatayan?

Very proud mom si Konsi Aiko sa pagtatapos ng anak dahil nakakuha pa ito ng award bilang Outstanding Student for SY 2023-2024 at Loyalty award for SY 2023-2024 na ipinost nito sa kanyang Facebook page na may open letter.


“Dear Marthena ‘MIMI’,

“Congratulations on your graduation! This is such a proud moment for you and for all of us. I know how much you’ve work hard for this, Juggling your time on studying and being an athlete ‘volleyball player.’

“You have shown incredible dedication, passion discipline and achieved so much. Watching you grow, learn, and succeed has been one of the greatest joys of my life.

“As you step into this new chapter, remember that the future is wide open with endless possibilities. Continue to follow your dreams, stay true to yourself, and know that you have all the courage and talent to achieve whatever you set your mind and heart to.

“We are so proud of you and excited to see what amazing things you will do next.

“With all my love rooting for you!!

“I will always be your number 1 supporter, bestfriend.  Thank you for you were never a headache to me. To my mini me thank you for studying so hard and giving me good grades. You make me so Proud and happy!

Baka Bet Mo: Aiko Melendez kering-keri pang magbuntis at manganak: Maganda ang lahi ko, in fairness!

“Love Mama,” ang buong mensahe ni Aiko para kay Marthena.

Binati namin sa pamamagitan ng FB chat si Konsi Aiko sa pagtatapos ng anak at tinanong naming kung ano ang kukunin nitong kurso sa kolehiyo.

“Mag-pre law si Marthena, ate. Waiting kami sa Ateneo (de Manila) sa July 20 pa naming malalaman.

“Tanggap na siya sa (De) La Salle, UST (University of Santo Tomas) at London school, kaso ayaw ko siya umalis, di ko kaya ate. Malulungkot ako,” paliwanag ng proud mom ni Marthena.

Samantala, may mga tumatawag na raw kay Aiko tungkol sa anak.


Post nito, “2 productions na tumawag sa akin at nagtatanong kung pwede ba daw nila kuhain anak ko na mag artista. Matagal na akong inaawitan para sa anak kong babae si Marthena. Kaso dati bawal sa school nila, mahigpit sila.

“Ngayong mag College na siya baka pwede na daw ba sila pagbigyan. Kaso ang problema ko wala ako maisip na magmamanage sa anak ko and di ko din gaano kasiguro kung gusto ba ng anak ko also,” aniya.

Ang biro ng isa sa cast ng seryeng “Pamilya Sagrado” ay gusto niyang magpatakbo ng karera ng anak ay ang content creator at Marites na si Senyora.

Aniya, “Pero sa ngayon asa unang listahan ko na mag manage sa kanya if ever ang aking kumareng si Senyora kasi bagay siya sa anak ko mag manage. Pareho silang maganda, matalino at marunong makibagay sa kapwa tao. Cguro sa commercials muna or endorsements pwede anak ko ka back to back ka din mare.

“’Yung sa huli na makibagay sa tao di ko sure ke mare Senyora. Mare marunong ka na ba?” ang birong hirit pa ni Aiko patungkol sa sikat na socmed personality.

Read more...