Charo Santos lang SAKALAM: Buti pa siya natagpuan si Eva Darren sa FAMAS

Charo Santos lang SAKALAM: Buti pa siya natagpuan si Eva Darren sa FAMAS

Charo Santos, Divina Valencia, Marissa Delgado, Eva Darren at Dante Rivero

“NADAMAY” ang award-winning veteran actress na si Charo Santos-Concio sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng FAMAS.

Isa si Charo sa mga movie icon na tumanggap ng  Lifetime Achievement award sa 67th FAMAS noong 2019 at last Sunday nga, May 26, ay naimbitahan siya bilang award presenter sa 72nd edition ng naturang award-giving body.

Baka Bet Mo: Sino nga ba ang veteran actress at movie icon na si Eva Darren?

Pero kahit wala siyang kinalaman sa naging isyu sa FAMAS, partikular na sa pambabastos umano ng mga organizer sa veteran actress na si Eva Darren matapos maetsapwera sa listahan ng mga pagpi-present ng awards, ay nadamay nga si Charo sa isyu.


Ang paliwanag ng mga taga-FAMAS at ng production staff ng event, hindi raw nila nakita sa venue si Eva Darren kaya ipinalit nila ang baguhang singer na si Sheena Palad bilang award presenter sa isang kategorya kasama si Tirso Cruz III.

Nagsimulang mabanggit ng mga netizens ang pangalan ni Charo Santos tungkol sa kontrobersya matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram account nitong Martes ng gabi, May 28, ng mga litrato niya mula sa FAMAS Awards Night.

Makikita sa mga ibinahaging photos ng beteranang aktres at dating presidente ng ABS-CBN ang mga kapwa niya senior stars, kabilang na sina Pilar Pilapil, Marissa Delgado, Divina Valencia, Efren Reyes Jr., Nova Villa, Dante Rivero at si Eva Darren.

“An exchange of kamustahans and hugs with my dear friends and co-actors in FAMAS,” ang inilagay na caption ni Charo sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

Kasunod nga nito ang mga comments ng mga netizens tungkol sa pagtatagpo nila ni Eva Darren sa venue ng event. Buti pa raw siya ay nakita agad ang veteran star samantalang ang production staff ng 72nd FAMAS ay hindi siya natagpuan.


“Si Charo Santos lang ang SAKALAM! Anyare FAMAS? Alibi pa more!”

“Bakit si Ms Charo, nakita agad si Ms Eva?”

“Si Madam Charo lang po ang nakakaaalam kung nasaan si Miss Eva.”

“Mabuti pa si Ma’am Charo, nahanap si Miss Eva.”

Kung may isang aktres na naging suki ng drama anthology ni Charo na “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN, yan ay walang iba kundi si Eva Darren.

Sa mahigit na tatlong dekadang pamamayagpag ng “MMK” sa telebisyon, napanood ang beteranang aktres sa mahigit 40 episode ng longest-running drama anthology series sa bansa.

Read more...