AMINADO ang beteranang aktres na si Janice de Belen na pakiramdam niya ay mayroon siyang pagkukulang sa kanyang mga anak.
Ito ay naibahagi ng aktres sa kanyang naging interview sa broadcast-journalist na si Bernadette Sembrano na mapapanood sa YouTube vlog ng huli ay napag-usapan nila ang kaniyang mga anak.
Chika ni Janice, hangga’t maaari raw ay syaw niyang umalis sa kanilang bahay ang mga anak.
Ngunit kinontra ito ng mga tao na nasa kanyang paligid.
Baka Bet Mo:
Bandera IG
“But then everybody tells me: ‘Hindi pwedeng ganyan. At some point, hayaan mo sila to do their own things. Dapat hayaan mo silang matutong mamuhay mag-isa. Matuto silang mahirapan.’ Tama naman, may point naman,” pagbabahagi ni Janice.
Ngunit bilang nanay ay hindi niya ito mapigilan.
“Pero syempre nanay ka, ‘di ba. Feeling ko, there was a part of me that trying to compensate for something that I could have not been given—which is a complete family. So, feeling ko ‘pag sinabi mong best, dapat best life talaga,” pag-amin ni Janice.
Dito nabanggit ng aktres na pakiramdam niya ay nagkulang siya sa mga anak.
“Kaya kung minsan, feeling ko parang hindi ko naturuan masyado ng life skills ‘yong mga anak ko. ‘Yong pagliligpit, pagwawalis. I think my children don’t know how to do that,” sey pa ni Janice.
Samantala, sinabi rin ng aktres na wala na siyang balak na mag-asawa.
“Ayaw ko na talaga [mag-asawa]. Okay na naman na ako. I’m really alone and I’m okay with that. I have friends. I have school friends. I have showbiz friends. I also know ‘di mo naman sila kasama araw-araw,” lahad ni Janice.
Pagpapatuloy pa niya, “They also have lives. So, you will still be alone when you go home. So, you can’t be happy with another person if you can’t be happy alone.”