Alden, Kathryn ibabandera ang kabayanihan ng mga OFW sa Canada

Alden, Kathryn ibabandera ang kabayanihan ng mga OFW sa Canada

Kathryn Bernardo at Alden Richards

NGAYON pa lang ay siguradong excited na sa paghahanda sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para sa pagsisimula ng kanilang shooting sa Canada.

Wala pang ibinibigay na mga eksaktong detalye ang Star Cinema kung kailan lilipad patungong Canada ang KathDen para sa pelikula nilang “Hello, Love, Again” mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

Baka Bet Mo: Xian Lim pasadong direktor ng comedy film na ‘Hello, Universe’, Janno pinatunayang may magic pa rin sa drama at komedya

Ito nga ang pinakahihintay na part 2 ng super blockbuster movie nina Kathryn at Alden na “Hello, Love, Goodbye” na nangwasak sa lahat ng record ng mga tumabong pelikula sa kasaysayan ng Philippine Cinema.


Kuwento ni Direk Cathy, nagsimula na ang mga preparasyon ng kanyang team para sa “Hello, Love, Again” kabilang na ang pagtungo nila sa Canada para sa kinakailangang immersion at research about the lives of our kababayans as Overseas Filipino Workers.

“More than ocular, it was more of immersion and interviews. I would like to take this opportunity to thank all the people, Pinoy and non-Pinoy, sa Canada na tumulong sa amin, ganu’n din naman sa Hong Kong.

“Unang-una talaga naming…wala namang Hello, Love, Goodbye kung wala ‘yung mga taga-Hong Kong,” sabi ni Direk Cathy na muling ibabandera sa buong mundo ang iba’t ibang kuwento ng mga bayaning OFW sa Canada.

Baka Bet Mo: Kathryn, Alden bibida sa ‘Hello, Love, Again’ ng Star Cinema, GMA Pictures

“Itinutuloy lang natin ang kwento, lumilipat lang ng lugar pero ganu’n pa rin. This is all about Filipino workers working and living abroad.

“And grabe, sabi namin ‘oh may iba pala talagang kwento ‘pag lumipat ka na ng bansa, ibang-iba.’

“The journey and the learnings na nakuha namin from OFWs sa Hong Kong, na-realize namin na ibang-iba sa kwento ng Canada which excites me kasi at least alam ko meron kaming bagong ikukuwento,” sey pa ng blockbuster director.

Sabi naman ng screenwriter na si Carmi Raymundo, para sa kanya ang “Hello, Love, Again” ay “familiar but it’s different.”

“A lot of changes kasi, five years from 2019 nung natapos yung Hello, Love, Goodbye, saktong ang daming nangyari sa mundo after.


“Sakto di ba nu’ng lumipad si Joy (Kathryn) papuntang Canada nagkaroon ng pandemic, nag-shutdown ang buong mundo so ang daming nabago,” paliwanag ng writer.

Ipagpapatuloy sa “Hello, Love, Again” ang love story nina Joy at Ethan (Alden), but this time sa Canada na sila muling pagtatagpuin ng tadhana.

Sabi nga ni Kathryn sa sequel ng kanilang pelikula, “Ang dami kong gusto malaman – kamusta si Joy? Is Ethan okay? Nag-survive ba ‘yung LDR (long-distance relationship) nila?

“Kumusta ‘yung buhay niya sa Canada? Nagawa niya ba ‘yung dreams niya? ‘Hello, Love, Again’ will provide all the answers to my questions, and to all our questions, hopefully,” sey ng aktres.

Ipalalabas ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan nationwide simula sa November 13.

Read more...