Piolo super toma sa awards night, hirit ni Ate Vi: Lasing ka na anak!

Piolo super toma sa awards night, hirit ni Ate Vi: Lasing ka na anak!

Piolo Pascual

KINAALIWAN ng mga dumalo sa 72nd FAMAS awards night ang “lasing” moment ni Piolo Pascual nang manalong best actor para sa pelikulang “Mallari.”

Viral na ngayon ang video ni Piolo habang nagpapasalamat sa natanggap na acting award kung saan naka-tie niya ang actor-councilor na si Alfred Vargas para naman sa “Pieta.”

Nang tawagin ang kanyang pangalan at makaakyat na sa stage ay mahigpit niyang niyakap si Christopher de Leon at ang Star For All Seasons na si Vilma Santos – sila ang nag-announce ng winners.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz dinipensahan ang viral video ni Albie Casiño, payo sa mga artista: ‘kapag raraket kayo, dapat paghandaan ninyo!’

Lumapit at niyakap din niya si Alfred para batiin ang aktor na naka-tie nga niya sa pagka-best actor.


“Napakabigat!” ang sey ni Papa P patungkol sa natanggap na tropeo.

“Maraming, maraming salamat po sa FAMAS. Unang-una kong pasasalamatan ang Panginoong Diyos sa karangalang ito, dahil kung wala Siya, wala rin ako rito.

“And of course my parents, Mommy V, Dad Bo,” aniya na ang tinutukoy ay sina Ate Vi at Boyet na nanatili lamang sa gilid ng stage.

“Marami po akong pasasalamatan pero marami na rin po akong nainom tonight,” ang hirit ni Piolo na sinundan ng tawanan at palakpakan ng audience.

Sa isang bahagi ng speech ni Piolo ay bigla Siyang napatigil at tinawang si Ate Vi, “Mommy…’ sabay tingin sa kinaroroonan ng veteran actress.

Baka Bet Mo: Lasing na empleyado matapang na nag-text sa kanyang amo: ‘Boss, I am drunk, but let me tell you this…’

Biniro naman siya ni Ate Vi ng, “Lasing ka na anak, lasing ka na anak. Go ahead, go!” sabi ng Star for All Seasons.

Pagpapatuloy ni Papa P, “Lahat po ng artista, pinaghirapan po ang trabaho nila.


“So, maraming  maraming salamat po. Hindi ko po ipagkakait ito sa sarili ko kasi para sa pelikulang Pilipino ito,” sey pa ni Piolo sa kanyang speech na sinundan uli ng malakas na palakpakan.

Siyempre, todo rin ang pasasalamat niya sa Mentorque Productions at kay Bryan Dy, ang producer ng “Mallari”, pati na sa lahat ng bumubuo sa produksyon ng kanilang pelikula na itinanghal namang Best Picture.

Read more...