Maricar Reyes muntik ‘mabulag’ dahil sa contact lenses, anyare?

Maricar Reyes muntik ‘mabulag’ dahil sa contact lenses, anyare?

PHOTO: Screengrab from Instagram, TikTok/@maricarreyespoon

NAKAKALOKA ang latest health update ng dating aktres na si Maricar Reyes!

Ayon kasi sa kanya, muntikan na siyang mabulag nang dahil sa kanyang colored contact lenses, pero buti raw ay naagapan niya agad ito.

“Three days akong halos bulag dahil sa maling pagsuot ng contact lense,” panimula niya sa ibinanderang TikTok video noong May 25 na umaani na ng mahigit 5.5 million views.

Naikwento niya rin na taong 2010 pa siya nagsusuot nito, “I’d wear them to taping for 12, 15 hours. Minsan nga expired ‘yung suot ko, Okay lang, walang issue.”

“But a few months ago, after wearing my colored contact lenses for about 12 hours, nakaramdam ako ng konting pain sa mata. But I thought it’s just normal, pagod lang. So tinanggal ko ‘yung contact lenses ko before going to sleep at natulog na ako. Then at around 3 a.m., nagising ako to the most excruciating eye pain in my entire life,” chika niya sa post.

Baka Bet Mo: Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby

Dahil daw sa sobrang sakit ay isinugod na siya sa ospital ng bandang alas singko ng umaga.

Ilang oras lang daw ang itinagal niya sa Emergency Room at agad din siyang pinauwi matapos bigyan ng gamot, ngunit hindi rin daw nagtagal ay muling sumakit ang kanyang mga mata kaya bumalik ulit siya sa ospital.

“So for the next three days, halos hindi ko madilat ‘yung mga mata ko sa sobrang sakit at maga,” sambit niya.

Sabi ni Maricar, nagkaroon siya ng “corneal abrasions” o malalaking gasgas sa magkabilang parte ng kanyang mga mata kung saan nakapatong ang contact lens.

“Maximum eight hours lang dapat sinusuot ang contact lens at hindi ko namalayan na expired na pala ‘yung gamit ko that day,” esplika niya.

Dagdag niya, “Naging iresponsable ako. Masyado akong naging kampante kasi for many years, walang masasamang nangyayari.”

Pinayuhan daw siya ng doktor na magsuot ng contact lenses na akma at “fit” sa kanyang mga mata at sundin ang maximum of eight hours na pagsusuot nito.

“After 7 days, gumaling naman ‘yung mga ko sa mata, pero sabi ng ophthalmologist ko, napakaswerte ko daw dahil sa laki ng mga sugat ko sa mata, pwede akong magkaroon ng mga peklat or mga puti-puti sa paningin ko, habang buhay,” ani ni Maricar.

@maricareyespoon Masyadong nakampante🤪 #learningontiktok #advice #advicetok #contactlens #opthalmologist #eyecare #maricarreyespoon #maricarreyesbook ♬ original sound – Maricar Reyes-Poon

Bandang huli, nagbigay ng paalala ang aktres sa kanyang mga manonood pagdating sa pagsusuot ng contact lenses.

“If you are like me, a regular contact lens wearer na minsan lumalampas sa 8 hours a day ang pagsuot at minsan din nakakalimutan ‘yung expiry date ‘nung contact lense, huwag mong paabutin sa level ko na bigla ka nalang magigising na may sugat ka na sa mata at kailangan mong tumakbo sa E.R. dahil sa sobrang sakit,” saad niya. 

Advice pa niya, “Magpatingin at magpa-advice sa ophthalmologist para maalagaan ng tama ang mga mata mo.”

Read more...