Alden dumepensa sa ‘sigaw at galit’ hosting sa Miss Universe PH 2024

Alden dumepensa sa 'sigaw at galit' hosting sa Miss Universe PH 2024

Alden Richards

NAG-VIRAL sa social media ang mga video clips ni Alden Richards habang nagho-host sa naganap na Miss Universe Philippines 2024 pageant.

Aliw na aliw ang mga netizens sa hosting style ng Asia’s Multimedia Star sa pinag-usapang grand coronation night ng Miss Universe Philippines this year.

Baka Bet Mo: Sharon tulad ni Alden ang type mapangasawa ng mga anak: Kahit kay Miguel pa!

Sa katunayan, sandamakmak na memes na ang nagkalat ngayon sa iba’t ibang social media platforms gamit ang mga viral video ni Alden.


Kabilang na nga riyan ang kanyang “pasigaw” moments habang ina-announce ang Top 10 at Top 5 finalists. Para raw kasing naghahamon ng away ang Kapuso superstar sa tono ng kanyang boses.

In fairness, marami naman ang bumilib at pumuri sa naging performance ni Alden as host ng pageant. Napansin din ng manonood ang kanyang kakisigan at kagwapuhan that night.

“Ang pogi ni Tisoy, halatang in love at inspired!” komento ng netizen.

“Ang galing ni Alden mag-host! Hasang-hasa na siya sa ‘Eat Bulaga’, sunday noontime shows, at talent search competitions ng Kapuso!” sabi naman ng isang pageant fan.

Pero may mga naloka rin sa kanyang pagho-host. Narito ang ilan sa mga reaksyong nabasa namin.

Baka Bet Mo: Alden na-depress, feeling walang silbi: Buti na lang po, hindi ako nagdroga

“Sino inaaway ni Alden? Galit ba siya? Bakit sigaw siya nang sigaw?”


“Nasa mall show ba si Alden bakit kailangan niya sumigaw?”

“Ako lang ba nai-stress sa kakasigaw ni Alden?”

Nagpaliwanag naman ang aktor kung bakit kailangan niyang lakasan ang boses niya sa event.

Kinu-compile raw niya ang mga hosting gig niya sa mga nakalipas na taon, kasama na nga ang pagiging host ng Miss Universe Phillipines.

Aniya, kinailangan niyang sumigaw dahil napakaingay sa Mall of Asia Arena kung saan ginanap ang pageant. Nagsisigawan daw talaga ang audience at kung mahina nga naman ang boses niya ay baka hindi siya maririnig.

Samantala, naging hot topic din ang suot na Rolex Day Date 40 wristwatch ni Alden sa naturang beauty pageant na nagkakahalaga umano ng P2.6 million.

May isa pang relo na isinuot si Alden sa pageant, ang Patek Philippe na itinerno niya sa kanyang white tuxedo na siguradong napaka-expensive din ng halaga.

Read more...