PUNO ng emosyon at hugot ang bagong single ng singer-actor na si James Reid.
Pinamagatan itong “Hurt Me Too,” ang kauna-unahan niyang music project under Sony Music Entertainment.
Si James kasi ang latest addition sa growing family ng music label, kasama ang SB19, Ben&Ben, Denise Julia, O SIDE MAFIA at Clara Benin.
Ang bagong kanta ni James ay tungkol sa pagiging brokenhearted, ayon sa inilabas na press release ng Sony Music.
“I wrote the song three years ago together with Seth Reger, an artist from LA,” chika ng singer-actor.
Sey pa niya, “He really helped me tap into these emotions that I didn’t even know I was feeling at that moment.”
Baka Bet Mo: James Reid na-‘inspire’ magkaroon ng sariling fashion line: ‘Maybe one day’
Ang tanong, ito kaya ‘yung kanta ni James kung saan ipinapahiwatig ang kanyang side noong nag-break sila ng dating ex-girlfriend na si Nadine Lustre?
Kung matatandaan, January 2020 nang inanunsyo ng dating celebrity couple na sina James at Nadine ang paghihiwalay nila matapos ang halos apat na taong magdyowa.
Sa kasalukuyan, masaya na sa kani-kanilang partners ang dalawa.
Currently dating si James at ang singer-model na si Issa Pressman, habang si Nadine ay in a relationship with Filipino-French entrepreneur Christoph Bariou.
Anyway, sinabi ng aktor na maglalabas siya ng bagong album very soon at ayon sa kanya, tungkol ito sa kanyang “old wounds and memories, and turning them into an inspiring piece of work.”
“For this next album I’m working on, I wanted to focus on the core of who I am as a songwriter with minimal but intentional music production. ‘Hurt Me Too’ is like a palate cleanser for me in a way that it introduces a change in sound and direction,” paliwanag niya.
Ang “Hurt Me Too” ni James ay mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms worldwide via Sony Music Entertainment.