Darren umamin, totoong minahal si Kyline kahit bata pa noon

KAHIT na bata pa lamang nang magkarelasyon ay inamin ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto na totoo ang kanyang naramdaman sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Sa kanyang panayam sa broadcast-journalist na si Karen Davila, ibinahagi niya ang kwento ng kanilang love story noon ni Kyline.

Pag-amin ni Darren, bagamat nasa murang edad sila ay masasabi niyang totoo niyang minahal si Kyline.

“It was real naman, e. Parang kahit sabihin ng iba na puppy love, may love pa rin na nando’n,” lahad ng binata.

Baka Bet Mo: Darren 10 years na sa showbiz: Hindi ko na pine-pressure ang sarili ko

Pagpapatuloy pa ni Darren, “There was care and all of that. It just didn’t work out in the end.”

Isa raw sa masasabing malaking dahilan kung bakit hindi nag-work ang relasyon nila noon ay mga simpleng bagay na kanilang hindi napagkakasunduan.

“Big factor din ’yung pagiging bata, like the stuff we fought over, very petty fights. Mga gano’n lang naman,” amin ni Darren.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay masasabing maayos naman ang relasyon nila bilang magkaibigan ngunit may panahon pa ring hindi sila nag-usap ng dalaga.

Unang lumabas ang balita ukol kina Darren at Kyline nang aminin ni Darren sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” na naging magkarelasyon sila ni Kyline.

Bago ang pag-amin ay naging tampulan ng tukso ang binata nang mag-guest sa “It’s Showtime” ang Kapuso star.

Napansin kasi ni Kim Chiu na panay ang sulyap ni Darren sa dalga habang nagpe-perform ito.

Marami naman ang naintriga kung ano ang meron sa dalwa
Naintriga tuloy ang mga tao lalo na nang bumaling si Kyline kay Darren at sabihin ang katagang “kasi nga” na naging dahilan para ireto sila sa isa’t isa.

Read more...