MAY kumakalat na kontrobersiya kaugnay sa pagkapanalo ng bagong Miss Universe Philippines titleholder na si Chelsea Manalo.
Nag-viral kasi ang isang social media post na ibinandera ng Pop Culture kung saan sinasabing nag-walk out umano ang ilang mga kandidata ng national pageant nang tanghaling winner ang pambato ng Bulacan.
Heto ang nakasaad sa viral post:
“Apparently, a lot of candidates allegedly did not congratulate her and walked off after she was proclaimed the winner. Prove them wrong, Chelsea, in Mexico! You deserve the crown.”
Baka Bet Mo: Celeste: ‘Stop trying to make an issue…I fully support whoever wins’
As of this writing, burado na ang naturang Facebook post, pero may mga nakapag-screenshot nito.
Ibinandera rin ito ng isang MUPH contender ng Mariveles na si Elle Hollman at nilinaw na “fake news” ang nabanggit na isyu.
Ang totoong kwento raw riyan ay agad silang pinababa sa stage nang ipinasa na ang korona kay Chelsea.
“CORRECTION! We were asked to leave the stage immediately after she was crowned, as there is another awarding (four other crowns),” paliwanag ni Elle.
Giit niya, masayang-masaya sila sa pagkapanalo ni Chelsea.
“We are all happy for her win and God knows how much we want to hug her when Michelle Dee left the stage but we are not allowed to do it so we patiently waited backstage,” kwento ng MUPH bet ng Mariveles.
Sa comment section, agaw-pansin ang ibinahagi na litrato ng fashion designer at stylist na si Nichole Anne Pura kung saan makikita si Chelsea na may kayakap na kapwa-kandidata ng kompetisyon.
Sey pa ni Nichole diyan, “Here’s actually a proof the queens are supporting Ms. BULACAN backstage! I’m glad I was able to capture this one! [red heart emoji]”
Nag-reply naman diyan si Elle at sinabing, “Love this photo. Thank you so much for sharing.”
Noong May 22 nang maganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 kung saan ang itinanghal na reyna ay ang Filipino-American beauty queen na si Chelsea.
Siya ang ilalaban sa international pageant na gaganapin sa Mexico bago matapos ang taong 2024.