Volleyball player na-huli cam na may malaswang galaw, MTRCB pinatawag ang PVL

MTRCB pinatawag ang PVL dahil sa volleyball player na nag-'dirty finger' on cam

PHOTO: Fcaebook/Movie and Television Review and Classification Board

PINURI ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Premier Volleybal League o PVL sa pagsunod sa panawagan ng Etikal at Responsableng Sports Environment.

Nagpahayag kahapon, Mayo 24, ng suporta ang MTRCB sa hakbang ng PVL na bumalangkas ng isang code of ethics at mga regulasyon sa disiplina bilang tugon sa isang viral na insidente ng isang manlalaro ng Petrogazz ay nahuli ng live camera na gumawa ng malaswang galaw sa kasagsagan ng laro.

Kaagad na pinatawag ng MTRCB ang pamunuan ng PVL, ang mga prodyuser ng palabas, at mga brodkaster (Nine Media at Cignal TV) upang masiguro ang pagsunod nila sa mga pamantayan ng etikal na pagbo-brodkast ng kanilang liga.

Baka Bet Mo: Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

“Nalulugod kami sa MTRCB na ang aming pag-uusap ay nag-ambag sa pagbuo ng isang mas etikal at responsableng sports environment,” pahayag ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.

Dagdag pa, “Sa loob at labas ng court, hindi lamang sila mga atleta kundi mga huwaran ding ehemplo ng mabuting mamamayan na nakakaimpluwensya sa mga batang manonood. Kaya dapat silang maging mas maingat at responsable sa kanilang mga aksyon.”

“Tinitingala sila ng mga kabataan, kaya dapat silang maging mabuting halimbawa bilang mga atleta,” aniya pa.

Kapuri-puri ang pamunuan ng PVL sa kanilang aksyon, lalo na sa kanilang agarang paglikha ng sariling code of ethics.

Inanunsyo  naman ni PVL Commissioner Sherwin Malonzo na ang liga ay nakagawa na ng isang komprehensibong code of conduct, na naglalarawan ng proseso, mga parusa, at mga sanksyon para sa anumang paglabag.

Read more...