Kuya Kim nagsalita na matapos ma-kick out, maging ‘homeless’ ang anak sa US

Kuya Kim nagsalita na matapos ma-kick out, maging ‘homeless’ ang anak sa US

Kuya Kim, Eliana Atienza

USAP-USAPAN hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa ang anak ni Kuya Kim Atienza na si Eliana.

Ito ay matapos mabalitaang na-kick out sa University of Pennsylvania at naging homeless sa United States ang 19-year-old daughter ng TV host.

Ang dahilan, sumali kasi si Eliana sa tinatawag na “on-campus anti-Israel encampment.”

Ayon sa report ng New York Post, isa si Eliana sa anim na mga estudyante na nasuspinde sa school campus noong May 9 dahil sa paglahok sa isang protesta laban sa Israel na nakikipagdigmaan ngayon against Hamas kasunod ng mga nakamamatay na terror attack.

Base sa ulat, sumali ang anak ni Kuya Kim sa protesta dahil kontra ito sa kanyang eskwelahan na may financial ties sa Israel.

Baka Bet Mo: Kuya Kim nakiusap para kina Bea at Dominic: Little kindness goes a long way

Bukod diyan, pumirma rin si Eliana sa isang kasulatan na nagpapakita ng suporta sa mga Palestinians na nakikipaglaban upang mabawi ang kanilang mga lupain na sinakop ng Israel.

Sa interview ng NBC10 via KWY radio, sinabi ni Eliana na nawalan na siya ng access sa unibersidad.

Ibig sabihin, hindi na siya pwedeng pumasok at kinuha pati ang kanyang dorm.

“I don’t have any family to go back home to here,” sey niya sa panayam.

Dagdag pa ng anak ni Kuya Kim, “When the university fails to protect its Palestinian students, we create a freedom camp. When the university ignores us, disciplines protesters, and denies us a space to host teach-ins and movie screenings, we continue. The only threat here is the power of the people and the students we have standing behind us.”

Ibinandera naman ng The Washington Free Beacon ang isang Instagram screenshot mula sa post ni Eliana na sinasabing biktima siya ng “administrative violence.”

“I live on campus. The university has barred me from entering. In other words, the university has made me houseless,” caption niya.

Patuloy niya, “I am also an international student. The university knows this. This is their weapon. I am so disappointed to be attending an institution that resorts to administrative violence.”

Dahil sa kontrobersya, pati pangalan mismo ng TV host ay nadawit sa isyu at may ilang international outlets ang kumukwestyon sa  kayamanan ng pamilyang Atienza.

Saad sa bahagi ng report ng Free Beacon, “Atienza’s father is not afraid to flaunt his wealth. In a recent Instagram story, he shared photos from a lavish first-class flight, which boasted caviar service and a full shower.”

Hindi naman nagtagal, nagbigay na ng pahayag si Kuya Kim at iginiit na hindi pro-Hamas ang kanyang anak.

Sinabi rin ng TV host na suportado ng kanilang pamilya ang anumang adbokasiya ni Eliana.

“Eliana has always been vocal about what she believes in. In this instance she’s part of the organization that is anti-genocide and anti-war,” sey ni Kuya Kim sa ulat ng ABS-CBN News.

Read more...