Catriona, Michelle, Rabiya, Ariella proud na proud kay Chelsea Manalo

Catriona, Michelle, Rabiya, Ariella proud na proud kay Chelsea Manalo

Chelsea Manalo; Michelle Dee, Catriona Gray, Rabiya Mateo, Ariella Arida

MALIBAN sa pageant fans, proud na proud din ang ilang veteran beauty queens sa pagkapanalo ng bagong reyna na si Chelsea Manalo.

Magugunitang maituturing “dark horse” si Chelsea sa national pageant dahil hindi naging matunog ang pangalan niya sa simula ng labanan –kumpara sa fan favorites na sina Stacey Gabriel, Ahtisa Manalo at Christi McGarry.

Bago ang MUPH, ilang beses nang sumubok sa beauty pageants si Chelsea, kabilang na riyan ang Miss World Philippines competition noong 2017 kung saan nagtapos siyang Top 15.

Taong 2021 naman nang nauna siyang mag-join sa MUPH, pero ang nanalo that time ay si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City.

Baka Bet Mo: Celeste: ‘Stop trying to make an issue…I fully support whoever wins’

Anyway, heto ang ilan sa mga bumanderang “congratulatory” messages mula sa dating Miss Universe Philippines titleholders:

Michelle Dee

Chika ni Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee, na-meet niya si Chelsea sa personal kahit sa maiksing oras at dito niya raw nakita na may “genuine heart” ang bagong reyna ng MUPH.

“May you lead by example always in all ways,” panimulang mensahe ni Michelle, kalakip ang picture nila ng new queen.

Patuloy niya, “Congratulations to our new Miss Universe Philippines 2024 @manalochelsea [crown, sparkle emojis].”

“We had a brief interaction backstage and I can really say that we crowned a woman with such a genuine heart. Manifesting only the best for you and our home. [Philippine flag, heart with fire emojis],” ani pa niya.

Catriona Gray

Masayang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Instagram Story, “We have a new queen!” 

Mensahe niya, “Congrats @manalochelsea, our new MUPH 2024! Raise our flag! [Philippine flag emoji]”

PHOTO: Instagram Story/@catriona_gray

Rabiya Mateo

Sa pamamagitan din ng IG Story, shinare ni Miss Universe 2021 semifinalist Rabiya Mateo ang masayang balita na kinoronahan na ang bagong queen.

“Welcome to the sisterhood dearest @manalochelsea [sparkle emojis],” sambit niya sa post.

PHOTO: Instagram Story/@rabiyamateo

Ariella Arida

Ibinandera naman ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida ang selfie picture nila ni Chelsea.

“Congratulations are in order to our Miss Universe Philippines 2024 [crown emoji],” caption niya habang naka-tag ang Filipino-American beauty queen.

Kasunod niyan ay ang hiwalay niyang IG Story na ipinapakita ang video clip ng crowning moment ni Chelsea at pabiro niyang sinabi: “First task as a queen…know how to balance charizz!!”

Wika pa niya, “The scream and support from the crowd on your crowning! [clapping hands emojis]”

PHOTO: Instagram Stories/@araarida

Read more...