Sheryl Cruz inalok ng kasal ni Anjo Yllana noon

Sheryl Cruz inalok ng kasal ni Anjo Yllana noon

ISANG pasabog na rebelasyon ang inilahad ng aktres na si Sheryl Cruz patungkol sa kanila ng actor-comedian na si Anjo Yllana.

Sa kanyang panayam sa sa Fast Talk with Boy Abunda na umere nitong Huwebes, May 23, inamin niya na may tampo siya noon kay Anjo.

Ngunit ang kadahilanan sa likod ng pagtatampo ni Sheryl ay hindi inaasahan ng mga netizens.

“Actually, nagtampo ako sa kanya noon because he asked for my hand in marriage that time, before I left for the States and decided to actually try it there,” lahad ni Sheryl.

Pagpapatuloy niya, “He asked for my hand in marriage and I said yes. And then I found out na he got somebody pregnant. kahit papaano, you broke my heart.”

Baka Bet Mo: Sheryl Cruz proud na ibinandera ang anak na graduate bilang summa cum laude

Ngunit nakalipas na raw ito para kay Sheryl.

“But it’s already water under the bridge. We’re good friends,” sabi pa ng aktres.

Dito ay nausisa rin si Sheryl kung totoo nga bang hindi sila nagkaroon noon ng closure ni Anjo.

Ngunit pagtatapat ng aktres, noong bumalik siya sa Pilipinas ay ipinagpatuloy nila ni Anjo ang naudlot nilang pag-iibigan.

Noong mga panahong ‘yun ay hiwalay na si Sheryl sa asawang si Norman Bustos at hiwalay na rin si Anjo sa asawa niyang si Jacqui Manzano.

“And it’s actually amazing because by time I went back here, sa Philippines, I myself got separated and divorced.

“And then, nagkaroon kami ng, kumbaga, ng moment wherein we were able to see each other again. And then we were able to catch up on things and tried to have another go at it,” kwento ni Sheryl.

Pero kahit na nagkabalikan ay hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Sa kabila nito sy hanga pa rin si Sheryl sa pagiging ama ni Anjo.

“But then, hinahangaan ko siya because he’s a very good father. And ayos naman yung mga anak niya and same thing naman for me.

“If it really didn’t quite work out with your relationship, it doesn’t mean you cannot be a good parent,” sey pa ni Sheryl.

Read more...