Jeraldine Blackman nakaranas ng racism sa Australia; bilib na bilib kay Rhea Tan

Jeraldine Blackman nakaranas ng racism sa Australia; bilib na bilib kay Rhea Tan

NAKARANAS din ng diskriminasyon ang content creator at internet sensation na si Jeraldine Blackman simula nang manirahan sa Australia.

In fairness, sikat na sikat ngayon si Jeraldine dahil sa kanilang Blackman Family vlog kasama ang kanyang asawang Australian na si Josh Blackman at dalawang anak na sina Nimo at Jette.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment media si Jeraldine nitong nagdaang May 22 sa Beautederm Headquarters sa Angeles City.

Si Jeraldine ang pinakabagong celebrity ambassador ng beauty kingdom na pag-aari ng CEO at President ng Beautéderm Corporation na si Miss Rhea Anicoche-Tan at pormal nga siyang ipinakilala sa isang bonggang launch and mediacon.

Dito nga niya inilahad ang na-experience na racism sa Australia kung saan siya naninirahan ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: Rabiya nag-sorry sa 2 Miss Universe candidate na inokray ng ilang Pinoy pageant fans

From time to time ay umuuwi nga sila sa Pilipinas lalo na kapag nami-miss na niya ang mga nakasanayan niya bilang Pinoy, lalo na ang mga pagkain dito at ang mga naggagandahang tourist spots.

Kuwento ni Jeraldine, mismong sa mga kapwa Asian daw sila nakarans ng racism at discrimination noong mga unang taon nila sa Australia, kabilang na ang kanyang mga anak.

“Nimo is in grade 1 now, but before when he were starting school, nu’ng nasa pre-school siya, tapos, kaunti lang kasi ang Asians du’n sa school na napuntahan niya.

“And then Nimo would come home telling me that, ‘oh mama, they won’t play with me because I have like little eyes. Kasi ‘yung eyes niya super-little, pero parang Korean kasi siya,” pagbabahagi ni Jeraldine.

Patuloy niya, “Everyone was playing but they’re not playing with him (Nimo) kaya ang sakit ng loob.”

“Minsan nga, nu’ng sinasabi ko sa kanya, umiyak ako sa toilet kasi na-hurt talaga ako,” aniya pa.

Ine-explain naman daw niya sa anak na hindi lahat ng tao ay “nice and then should always try to be nice to everybody.”

“Naintindihan naman niya, so ngayon, ini-ignore na lang niya. Mas konti na ngayon kasi I think nag-mature na ang ibang kids,” sabi ng vlogger.

Ultimo nga raw ang itim na buhok ni Nimo ay napapansin ng mga kaklase niya dahil halos karamihan ng mga bata roon ay blonde. Ngunit nagpapasalamat naman siya na knows na ngayon ng mga anak niya kung bakit sila naiiba.

Samantala, feeling thankful and grateful si Jeraldine sa pagiging miyembro ng Beautederm family. Pinatunayan niya sa harap ng press na user talaga siya ng mga produkto ni Miss Rei Tan.

Sa katunayan, hindi raw talaga niya kilala si Miss Rei kaya shookt siya nang biglang mag-reach out sa kanya ang matagumpay na lady boss.

“I really admire Ate Rhea as an entrepreneur. Look at her. She’s so successful yet so humble. I know her brand is a well-loved brand here in the Philippines, and I am so excited to make content endorsing the three new products.

“Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” ani Jeraldine.

Sey naman ni Miss Rei, perfect na perfect daw si Jeraldine na maging ambassador ng tatlong bago nilang produkto.

“Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone. We thank our consumers for their loyalty and support,” lahad ni Miss Rei.

Ineendorso ni Jeraldine ang newly-launched Beautederm products na Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty, and Cristaux Vitamin C Serum.

Anyways, game na game raw si Jeraldine kapag may nag-offer sa kanya na maging TV host dito sa Pilipinas. Kapag nangyari raw ito, payag siyang iwan pansamantala ang buhay niya sa Australia.

Read more...