Hilda Koronel binalikan ang pagkamatay ni Eddie Garcia: I broke down!

Hilda Koronel binalikan ang pagkamatay ni Eddie Garcia: I broke down!

Eddie Garcia, Gloria Diaz, Jackie Lou Blanco, Hilda Koronel at Ronaldo Valdez

WASAK na wasak din pala ang award-winning veteran star na si Hilda Koronel nang pumanaw ang movie at TV icon na si Eddie Garcia.

Binalikan ng beteranang drama actress ang mga panahong nakasama at nakatrabaho niya si Manoy Eddie ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Hilda ang isang throwback photo na kuha mula sa pelikula niyang “Palabra de Honor” na ipinalabas noong 1983.

Baka Bet Mo: Liza Dino kay Robin Padilla: Congratulations kuya Senator! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill!

Makikita sa litrato ang kanyang mga co-stars sa naturang classic Pinoy movie na sina Eddie, Gloria Diaz, Jackie Lou Blanco at ang yumao na ring aktor na si Ronaldo Valdez.


Ani Hilda sa caption, “With the greats. I’m blessed to be working with these actors.”

Mababasa sa comments section ng IG post ng aktres ang tanong ng isang netizen, “Maam ano po masasabi niyo sa character ni mr Eddie Garcia?”

Sinagot ito ni Hilda at inaming labis din ang naramdaman niyang kalungkutan at pangungulila nang mamatay si Eddie.

“I broke down when he had that accident. he can never be replaced.

Baka Bet Mo: Dasal ni Annabelle Rama dininig ni Lord, operasyon sa mata ni Eddie Gutierrez tagumpay

“I love him very much. we all did..and I don’t have enough words to describe how great a human being he is.

“What a great loss,not just for the industry,but for us,the people that loved him,” pahayag ng veteran star.


Dagdag niya, naging close sila ni Manoy Eddie nang gawin nila ang kanilang unang pelikula kung saan gumanap ang namayapang aktor bilang tatay niya. Ito ay ang “Haydee” na ipinalabas noong 1970.

“Eddie Garcia, who I call DAD, because he played my father in my first film-Haydee.. but to me he was more than just a great actor. He was a wonderful, kind, funny,compassionate human being and much more,” saad ni Hilda.

Pinatunayan din niya ang likas na kabaitan ni Eddie, hindi lamang sa mga kapwa nito artista kundi maging sa kasamahan nila sa buong production.

“He was kind to everyone especially our crew. he was there for everyone whether they needed help or just a laugh to make their day tolerable and better,” sabi ni Hilda Koronel.

Matatandaang pumanaw si Manoy noong June 20, 2019 sa edad na 90, habang nasa intensive care unit ng Makati Medical Center, matapos ang dalawang linggong pagka-comatose.

Naaksidente ang premyadong aktor noong June 8, 2019, sa taping ng Kapuso series na “Rosang Agimat”.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, napatid si Manoy sa kable na nadaanan niya sa isang bahagi ng location na naging sanhi ng kanyang pagbagsak sa semento.

Read more...