ANG makapag-aral sa private school.
‘Yan daw ang isa sa mga pangarap noon ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na hindi na natupad bilang isang breadwinner, ayon sa kanyang interview with L’Officiel Philippines.
Gayunpaman, nilinaw ng young actress na hindi niya ito pinagsisisihan dahil mas pinili niyang tulungan ang kanyang pamilya.
Kung maaalala, batang-bata pa lang si Andrea nang pasukin na niya ang showbiz industry at nag-debut siya sa children’s comedy show na “Goin’ Bulilit” noong 2010.
Ayon kay Andrea, hindi niya maiwasan noon na ikumpara ang sarili sa mga nakakasama niyang mga mayayamang bata na ine-enjoy lang ang buhay at nakakabili ng mga luxury bags at gadgets.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes game na game maging ‘Dyesebel’: ‘I’m a big fan kasi!’
“Mga nepo baby at sosyal ‘yung mga friends ko noon,” pag-alala ng aktres.
Chika niya, “So syempre mai-imagine mo ‘yung pressure na dumikit sakin bilang bata na breadwinner ako, tapos sila, they don’t have to pay for rent, bills.”
Kasunod niyan, nag-open up si Andrea na pinangarap niyang mag-aral noon sa private school, pero mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya.
“Kaya ko naman pag-aralin ‘yung sarili ko sa private schools katulad nung friends ko, pero in order to do that, magugutom ‘yung family ko,” sey niya sa panayam.
Inamin din ni Andrea na muntikan na niya sukuan ang showbiz noon dahil sa dami ng kanyang sinasakripisyo.
Kabilang na riyan ang hindi pagkakaroon ng normal na buhay bilang isang bata at teenager, walang nakukuhang active roles sa telebisyon, at hindi sapat ang kinikita sa trabaho.
Dahil daw diyan, napapaisip siya, “Saan ako mag-e-enjoy sa life?”
Ngunit, bigla raw nagbago ang kanyang buhay nang mapabilang siya sa cast ng hit series na “Kadenang Ginto” nang gumanap siya bilang si “Marga Mondragon.”
“Doon nagbago lahat,” sambit niya.
“Kasi dun ako nakita ng mga tao. I felt seen, acknowledged. Bumuhos siya ‘nung year na ‘yun,” lahad pa niya.
Dahil daw sa nasabing serye, nakabili siya ng bagong bahay.
Sinabi rin ni Andrea na hindi niya maa-appreciate ang lahat ng mayroon siya ngayon kung hindi niya pinagdaanan ang mga pagsubok noong bata pa siya.
Sa huli, sinabi ng young actress na hindi dapat ikagulat ng maraming tao ang pagiging successful actress at businesswoman niya dahil mahigit isang dekada na siyang nagtatrabaho.
“So if titingnan natin lahat, tama lang kung nasan ka, tama lang kung nasan ako. Kasi at the age of 10, nagwo-work na ako — so wag ka ma-pressure,” ani ni Andrea.
Noong nakaraang taon lamang, nakapagtapos si Andrea bilang Alternative Learning System (ALS) representative sa San Mateo Elementary School.
Ang ALS ay isang programa ng Department of Education (DepEd) na inilaan para sa mga out-of-school youth at mga 16 years old pataas na lampas sa batayang edad ng paaralan na gustong mag-aral ng basic literally skills.