NADINE tuloy ang kasal, lalayasan na ang showbiz


Last project na nga ba ni Nadine Samonte ang The Gift? Magri-resume na ang taping ng dapat sanang ka-back to back soap ng Madame Chairman ni Sharon Cuneta na The Gift ni Ogie Alcasid.

Natamaan ito ng PBA finals so this has to be moved for January na as Madame Chairman went solo.  Malamang na ang The Baker King local version na ang makaka-back to back ng The Gift ni Ogie, something we wrote as a scoop early this week.

The Gift is directed by Mike Tuviera and also stars Ara Mina na parang matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng soap dahil ang last niya was for GMA pa.

Going back, sa resumption ng taping ng The Gift, ngayon pa lang din magsisimulang mag tape for the soap si Nadine dahil kahit may two weeks worth of episodes na ang nakunan bago ito nag hiatus, alam ni Nadine na third or fourth week pa ang pasok niya kaya nga wala pa rin siyang pictorial for the soap.

Malamang tapusin na lang ito ni Nadine dahil part of her TV5 contract ito but afterwards, kapag ikinasal na siya sa kaniyang non-showbiz Chinese businessman boyfriend, magri-retire na rin siya.

Wala namang sinasabi si Nadine about this pero sa pagkakatanda namin, her other longtime boyfriend noon na Chinese non-showbiz businessman din, ito ang hindi nila pinagkakasunduan that Nadine has to work pa rin.

If ever, Nadine will do her farewell show and that’s it saka sila ikakasal ng kaniyang boyfriend who already put a ring on it, a pink colored diamond na suot niya noong launching ng TV5.

Ang tanong na lang, after a year or so, papayagan kaya ulit si Nadine na bumalik sa showbiz? After all, kahit hindi showbiz ang boyfriend niya, ang nanay nito, showbiz pa rin, si Isabel Rivas.

( Photo credit to Google )

Read more...