Coco asar-talo sa netizens: ‘Laging naka-leather jacket, ang init-init!’

Coco asar-talo sa netizens: 'Laging naka-leather jacket, ang init-init!'

Cherry Pie Picache at Coco Martin

BAKIT nga ba laging naka-leather jacket si Coco Martin sa mga eksena niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” gayung umaabot sa 39-40 degree Celsius ang temperatura simula pa noong buwan ng Abril?

Lalo’t napakainit din ng location shoot ng “BQ”, sa Quiapo mismo kung saan maraming tao at madalas sa kalye pa ang mga eksena. Ito kasi ang obserbasyon ng netizens sa aktor-direktor at producer.

May paliwanag naman ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz na branding ni Coco ang laging nakasuot ng leather jacket kasi nga ginagampanan niya ang karakter na orihinal na “Batang Quiapo,” ang namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr..

Baka Bet Mo: Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!

Esplika ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog na mapapanood sa YouTube kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.


“Nakakaloka ang init ng panahon ha, kaya naman napapa-sana all ang iba, sana all ang ginagawa ni Coco Martin na naka-jacket daw sa Batang Quiapo dahil napakainit ng panahon naka-leather jacket si Coco,” bungad ni Ogie

Ipinakita sa video ang screenshot ng mga komento ng netizens tungkol sa aktor kung bakit naka-jacket sa gitna ng tindi ng init?

“Kasi pag naka-jacket action star talaga, for all we know naiinitan din naman si Coco Martn maliban kung may sariling lamig kapag suot ang leather jacket.

“Pagkatapos ng take ay hinuhubad nila ang mga jacket at siyempre hindi na iyon ipinapakita sa atin,” say pa ni Ogie.

Maging sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay nagtaka rin at nanawagan sila kay Coco na sana pabalikin na sila sa “Batang Quiapo” lalo’t hindi pa naisasauli sa dalawa ang mga damit na ginamit sa serye.

Baka Bet Mo: Male celeb laging kinakapos kaya utang nang utang pero hindi marunong magbayad

Panawagan din ni Ogie, “Puwede n’yo po silang isama kay Diwata (bilang serbidora ng lola ng karakter ni Ivana Alawi). Gusto ko lang ipaliwanag sa inyo, branding kasi ‘yun. Siyempre ang Batang Quiapo ay si FPJ, ang Ang Probinsyano ay si FPJ.”


Lagi raw talagang pinapanood ni Ogie ang “BQ” dahil nandoon ang dalawang alaga niyang sina Kim Rodriguez at Ara Davao, “Tinitingnan ko kung paano sila umarte.”

Balik ulit kay Coco si Ogie, “Packaging ‘yan, branding ‘yan ng isang artista kaya naman nakuha si Coco bilang endorser ng isang beer kasi malakas maka-action star (naka-jacket) at marami pang ibang endorsements.”

Totoo nga dahil sa EDSA, Cubao ay nakalagay ang malaking billboard ni Coco hawak ang bote ng inuming panglalaki.

Samantala, maraming humanga sa pagiging mapagbigay ng aktor sa co-star niyang si Elijah Canlas bilang si Pablo na tumatawid-tawid sa “Batang Quiapo” at “High Street.”

Suportado ni Coco si Elijah at sa katunayan ay tinanong niya kung kaya pa ng binata na dalawa ang serye niya at um-oo naman ang huli.

Kakasimula palang kasi halos ng karakter ni Elijah sa “BQ” bilang kontrabida sa buhay ng pekeng Hesus Nazareno na ginagampanan ni McCoy de Leon.

At kahit hindi naman babad ang eksena ni Elijah ay tiyak na maghapon din siyang nasa set ng serye para hintayin kung kailan siya kukunan.

Read more...