Artistahing baked mac vendor viral na, kumakayod para sa pamilya

Artistahing baked mac vendor viral na, kumakayod daw para sa pamilya

Ang gwapong baked mac vendor na si Enteng na pinagkakaguluhan ng mga customer

MUKHANG may bago na namang sisikat na vendor pagkatapos gumawa ng ingay ang paresan owner at social media personality na si Diwata.

Viral na ngayon ang gwapo at tisoy na baked mac vendor somewhere in Marikina na dinarayo nga ng mga parokyano mula sa iba’t ibang lugar sa kanyang pwesto sa tabi ng kalsada.

Actually, nakikita ko na ang lalaking vendor kapag nagba-browse ako sa Facebook at talaga namang marami ang bumibili sa ibinebenta niyang baked macaroni.

Base sa mga nabasa naming comments sa FB, tinatawag na “Enteng” ang gwapo at artistahing vendor at in fairness, nauubos talaga ang kanyang tinda dahil sa dami ng kanyang customers.

“Nahanap ko na ata yung pinakamasarap na Baked Mac dito sa Marikina Bayan,” ang nakasaad sa caption ng Facebook page na “HELLO, EATS NANI” kung saan makikita nga ang video ni Enteng habang nagtitinda.

Baka Bet Mo: Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Mas lalo pang sumikat at pinag-usapan ang gwapong vendor nang ibandera siya sa FB ng social media personality na si Cherry White na namakyaw ng kanyang paninda.

Sabi ni Cherry White, bibilhin niya ang lahat ng baked mac ni Enteng para ipamigay at ipatikim sa lahat ng taong naroon sa lugar. Pinatunayan din ng socmed influencer na super yummy ang tinda ng lalaki.


Marami ang nagkomento na baka raw si Enteng na ang susunod na “Diwata” na umariba ang kasikatan dahil sa kanyang viral paresan. Hindi raw malayong mabigyan din ng pagkakataon ang vendor sa mundo ng showbiz at mabigyan ng maraming tulong.

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa social media.

Baka Bet Mo: Coco Martin nagsalita na tungkol sa isyung nagrereklamo na raw ang mga Quiapo vendors dahil sa taping ng ‘Batang Quiapo’

“Good job. Sana sa mga mahihirap ka talaga tumulong cherry white yung may sakit na mahihirap yung nasa daan natutulog sa lansangan bata matanda maraming dapat tulungan yung mahihirap talaga.”

“May Bagong Sisikat. May Bagong Mag babago ang Buhay. Congratulations Agad! Basta Laging Mata sa Langit. Paa sa Lupa. – SB19.”

“The best k tlga ndi lng dpat malalaking negosyo ang pnupunthan dpat pti maliliit ksi mas sla ang mas dnadayo ksi mas mhirap ang klagayan mhrap ng benta s gnun sitwasyon umulan umaraw matyagang ng bebnta pra lng umangat at mkaraos s bhay sludo aq s gnun tao.”

“Kahit siguro di ako masarapan, kikimkimin ko nalang makatulong lang sa kapwa.”

“Bibili ang kiffy ko hahaha.”

“Pag pogi: affordable and yummy! Panget: mura na marumi pa.”

“Pag pogi dudumugin. Pag pangit isnob isnobin? Hahahaha!”

“Let’s be practical syempre kung gusto mong mabenta yung mga products mo be presentable ayusin yung sarili, pananamit, pakikipag usap sa customer etc. Yung looks ni kuya for me dagdag nalang yun for marketing strategy. Kung titignan mo mabuti yung mga binebenta nya mukha naman talagang masarap at malinis. Kung gusto nyo din mag trend yung mga products nyo at dumugin kayo ng mga customers be presentable kahit wala kang looks like kuya basta presentable ka naniniwala ako papatok sa masa ang negosyo mo.”

“This man was raised well by his parents. Salute to the parents of this man.”

“Masipag yan si enteng sya din gumagawa nyan nag titinda sya para sa family nya God Bless you more po salamat sa pag feature sakanya naway marami pang tumangkilik ng product nya.”

“Kaya ung mga pogi dyan, mag start na kayo ng business gaya ni kuya. Wag sayangin ang face card sa mga bisyo at pagkakagastusan.”

Read more...