MAKALIPAS ang halos isang dekada, muling magsasama sa isang pelikula ang Hollywood stars na sina Cameron Diaz at Jamie Foxx!
Bibida sila sa action comedy film na “Back in Action” na ipapalabas sa Netflix sa darating na November 15.
Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa ordinaryong mga magulang na may tinatago na malaking sikreto.
Ang hindi kasi alam ng marami, dati silang skilled secret agents!
Wala pang trailer, pero sa pamamagitan ng first look photos ay ipinasilip na kung ano ang mga kaabang-abang sa bagong movie ng dalawang sikat na artista.
Baka Bet Mo: Pinoy actors Martin Sarreal, Jimbo Bradwell pasok sa ‘Bridgerton’ Season 3
Matagal na mula nang magkatrabaho sina Jamie at Cameron, pero aminado ang dalawang magkaibigan na excited na sila sa bagong proyekto together.
“A lot of people don’t know this, but after Cameron and I did ‘Any Given Sunday’ and ‘Annie’ together, we became friends in real life — and I’ve been begging her to come play with me again. We all know there’s just something about her,” sey ng batikang aktor sa inilabas na press release ng Netflix.
Kwento naman ni Cameron, “We had so much fun making this — and I think you will have just as much fun watching it.”
Ang “Back in Action” ay mula sa direksyon ng filmmaker na si Seth Gordon.
Bukod sa dalawa, tampok rin sa pelikula sina Kyle Chandler, Glenn Close, Andrew Scott, Jamie Demetriou, McKenna Roberts, Rylan Jackson, at marami pang iba.