TO the rescue ang content creator at negosyanteng si Rosmar Tan sa viral street food vendor na si Diwata.
Ito ay matapos makatanggap ng pamba-bash na lumaki na raw ang ulo at yumabang na si Diwata.
Sa pamamagitan ng TikTok, naglabas ng saloobin si Rosmar at sinabing hindi pa kasi sanay sa kasikatan ang kanyang kaibigan.
“Naaawa ako kay Diwata kasi hindi niya napagtatanggol ang sarili niya,” panimula niya sa video.
Kwento ng content creator, “Pinagsabihan ko talaga si Diwata. Chinat ko siya, sabi ko, ‘Mamsh, pagka feeling mo hindi ka okay, magtago ka lang sa binigay kong office sayo. Pagka hindi ka okay, huwag ka muna lumabas kaysa sa ma-videohan ka ng ganyan.’ Kasi alam niyo guys, hindi naman siya masamang tao. Ang bait nga niya.”
Baka Bet Mo: Rosmar Tan sinugod ng mga humihingi ng tulong: Huwag po kayong mananakot
“Iba-iba kasi ang tao, may tao na kagaya ko na kayang mag-control na minsan naiinis na rin ako sa mga taong nagpapa-picture, [lalo na kapag] masama ang pakiramdam ko, pero forda [ngiti] pa rin ako,” patuloy niya.
Ayon kay Rosmar, naiintindihan niya ang kasabikan ng mga tao sa tuwing na may nakikitang artista o kaya mga iniidolo nila dahil ganun din daw siya noong hindi pa siya kilala.
“Pero intindihin niyo rin sana minsan kami…Minsan gustong-gusto ko bantayan [‘yung mga business ko], alam niyo naman kung gaano ako ka-hands on, pero ngayon hindi ko na magawa kasi nga everytime na may gagawin ako, may gusto akong gawin, ang nangyayari forda picture [na lang],” lahad ng negosyante.
Panawagan pa niya, “Kaya si Diwata, intindihin niyo rin minsan…intindihin niyo na kapag ang tao ay nagtatrabaho, huwag muna abalahin.”
“Nakikita niyo naman ‘yung pagod niya araw-araw, so huwag niyo na siyang abalahin. Kapag may free time, nakita niyong good mood edi magpa-picture [kayo],” dagdag niya.
Paalala ni Rosmar sa publiko, tao rin daw sila at may feelings kaya sana hindi agad mag-judge ang ibang tao.
“Hindi kami robot na pagka pinangiti niyo, ngingiti agad. Ako, pinipilit ko talagang ngumiti kasi nga iniintindi ko ‘yung mga tao…pero intindihin niyo rin po ‘yung side namin na hindi ‘yung pagka nakita niyo lang na kumunot ‘yung ulo, sasabihin agad na nag-iba ‘yung ugali, sumama ‘yung ugali,” sambit niya.
@rosmartan Replying to @jawtee pagtrabahuhin nyo po kami HAHAHA🤣❤️#rosmar #pinakamalakas ♬ original sound – ROSMAR
Wika pa niya, “Si Diwata, hindi pa sanay [sa pagiging sikat]. Intindihin niyo na nag-a-adapt pa siya, naku-culture shock pa siya.”
“Naaawa ako kay Diwata kasi hindi niya mapagtanggol ‘yung sarili niya, tapos kapag nagsalita siya, ang ending mali pa rin siya. So ako na ‘yung magtatanggol para sa kanya,” ani pa niya.