AWARE ang beauty queen na si Beatrice Gomez sa isyu ng pagba-backout ng ilang kandidata sa Miss Universe Philippines 2024.
Isa si Beatrice, na kinoronahang Miss Universe Philippines noong 2021, sa mga nakasubaybay ngayon sa ginaganap na preliminary competition ng pageant at looking forward din sa magaganap na coronation night sa Miyerkules, May 22.
Baka Bet Mo: Kim pinayuhan ang fans na wag magpakanega; Janine, Paulo nagpakilig na naman
Nalulungkot ang dalaga sa balitang may mga official candidates na nag-withdraw sa pageant nitong mga nagdaang araw pero naiintindihan daw niya ang mga ito.
Ang mga nag-quit sa laban ay sina Miss Quezon City Lorraine Ojimba, Miss Kananga Natasha Jung, ang representative ng Angeles City na si Joanne Thornley, at ang bet ng Filipino community sa Washington na si Kiara Landon.
“For those candidates na nagback-out, I understand whatever it is you’re going through. Your reasons are valid,” ang sabi ni Beatrice sa panayam ng GMA.
“There’s always a perfect time for you to join and come back whenever you’re ready,” dagdag ng dalaga.
Baka Bet Mo: Beatrice Gomez muling pina-wow ang madlang pipol sa kanyang final walk sa Miss Universe PH 2022
Nagbigay din siya ng mensahe para sa Miss Universe Philippines organization na nirespero naman ang desisyon ng mga umatras na kandidata.
“Para sa organization, alam ko may mga girls na nahihirapan, and actually, I am grateful for the organization kasi they’re always there to assist naman.
“Thank you very much for keeping the lines open and for giving these girls the chance to be ready whenever it is that they are ready na kung feel nila hindi para sa kanila ‘yung year na ‘to, thank you at ni-respect niyo ‘yung decision nila,” pahayag pa ni Beatrice.
Nang tanungin ang dalaga kung sino sa mga kandidata ngayon ang feeling niyang mananalo, “I cannot say kasi malapit na.
“Pero abangan n’yo na lang kasi if you see me sa prelims and coronation, malalaman n’yo kung kanino ako nag-cheer, then that’s my bet,” sabi pa ni Beatrice na isa na ring certified Kapuso star