Niana Guerrero na-meet, nayakap ang kanyang idol na si Billie Eilish

Niana Guerrero na-meet, nayakap ang kanyang idol na si Billie Eilish

PHOTO: Instagram/@nianaguerrero

MARAMI ang muling napa-sana all sa social media personality na si Niana Guerrero matapos siyang magpunta sa concert ng sikat na pop star na si Billie Eilish.

Hindi lang kasi niya ito napanood, na-meet at nakausap pa kasi niya ito sa personal!

Ang proud moment ay ibinandera mismo ni Niana sa kanyang Instagram kung saan ipinost niya ang ilang snaps sa “Hit Me Hard and Soft” concert, pati ang picture nila together.

Makikita rin na dumalo si Niana sa listening party ni Billie para sa bagong album na ginanap sa Kia Forum sa Inglewood, California kung saan makikitang magkayakap silang dalawa habang nagpo-pose sa camera.

Ang caption niya sa nasabing post ay tatlong emoji na mukang pinipigilang umiyak.

Baka Bet Mo: BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’

Sa comment section, maraming fellow content creators at celebrities ang nag-react sa IG post ng dancer.

Kabilang na riyan sina AC Bonifacio, Mona Alawi, Zeinab Harake, Argie Roquero, Daniel Paringit, at marami pang iba.

Si AC, mukhang na-excite at natuwa sa fangirling moment ni Niana kasama si Billie.

Komento niya, “SCREAMING YELLING CRYING…WAG KANG MALIGO…DON’T WASH YOUR HANDS.”

Saad naman ni Argie, “You finally met her!!!!!!! So happy for you Niana!!! [random emojis]”

Lahad naman ni Mona, “OMGGGG [holding back tears emoji] so happy for you!!”

Tila naging suki na si Niana pagdating sa international celebrities, marami na kasi siyang naka-collab kabilang na sina Troye Sivan, Sabrina Carpenter, Doechii at NCT Dream.

Bukod diyan, ang Pinay dancer din ang isa sa most-followed Filipino TikToker kung saan isa sa naging follower niya ay ang K-Pop star na si Jung Kook ng BTS.

Noong 2019, nag-follow rin sa IG ang K-Pop member ng EXO na si Chanyeol at pinuri pa ang dancing skills ni Niana.

Taong 2021, may mga bali-balitang nag-message sa kanyang IG ang Korean talent agency na SM Entertainment.

Dahil diyan, pakiramdam ng fans ay kinukuha na ng nasabing label si Niana upang maging isang K-Pop idol.

Para sa mga hindi aware, ang SM Entertainment ang nasa likod ng mga sikat na Korean pop groups kabilang na ang Super Junior, Girls’ Generation, EXO, Red Velvet, NCT, aespa, at marami pang iba.

Read more...